^

PSN Opinyon

Masakit na paalala

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

DAHIL sa naganap na lindol sa Bohol at Cebu, muling nasa atensyon ang Metro Manila, kung ano ang mangyayari kung magnitude 7.2 na lindol ang tumama rito. Sa ginawang pag-aaral kung magaganap nga ang lindol dito, kakila-kilabot ang resulta. Halos 40,000 ang mamamatay, higit 500 sunog, higit 100,000 gusali at 300,000 ang guguho.

Sa ginawang pag-aaral at pagsisiyasat, lahat ay nagkaisa sa pagturo sa West Marikina Valley Fault. Matagal nang alam ng Phivolcs ang nasabing fault line pero nakapagtataka kung bakit patuloy pa rin ang pagtatayo ng mga gusali at bahay sa ibabaw ng nasabing fault line. Hindi binibigyan ng kahalagahan ang peligro na dulot ng fault line. Ilang halimbawa ng mga itinayo sa ibabaw mismo ng fault line ay ilang gusali sa Ateneo de Manila University, ilang bahay sa Loyola Grand Villas, Greenmeadows, Valle Verde at Eastwood City!

Kaya ang tanong, ay handa ba ang Metro Manila, kung sakaling tumama ang malakas na lindol? Ang huling malakas na lindol na yumanig sa Metro Manila ay noong 1990. Magnitude 7.8 ang tumama, pero ang gumalaw ay ang Philippine fault, kung saan ang epicenter ng lindol ay sa Nueva Ecija, hindi sa Metro Manila. Malawak ang pinsala ng nasabing lindol sa Cabanatuan, Dagupan, La Union at Baguio City. Higit 1,600 ang namatay.

Dapat kumilos ang lahat, hindi lang ng gobyerno, sa paghahanda sa ganitong klaseng kalamidad. Wala nang magagawa sa mga gusali at bahay na nakatayo sa iba­baw ng mga fault line, pero marami ang magagawa sa paghahanda. Dapat listo kung ano ang dapat gawin kung sakaling tumama ang lindol. Dapat may mga pangunahing pangangailangang laging nakahanda sa tahanan --- tubig, de-latang pagkain, flaslight, posporo, lighter, gamot, pera, damit at iba pa na sapat para sa ilang araw o linggo sa buong pamilya.

Masakit na paalala ang naganap na lindol sa Bohol, na kapag hindi tayo handa, malaki ang magiging pinsala. Huwag maging kampante. Walang masama sa pagiging handa.

 

vuukle comment

BAGUIO CITY

BOHOL

DAPAT

EASTWOOD CITY

FAULT

KUNG

LA UNION

LINDOL

LOYOLA GRAND VILLAS

METRO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with