EDITORYAL- Kailan kaya mapupuri ang NAIA?
NOONG nakaraang taon, ibinoto ng isang travel website ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na isa sa pinaka-worst airport sa buong mundo. Pinuna noon ang masamang serbisyo sa NAIA Terminal I gaya nang walang tubig sa comfort rooms, marumi ang sahig, kulang ang mga signage, walang upuan, hindi friendly ang airport personnel at masyadong crowded.
Ang mga puna sa NAIA noong nakaraang taon ay inakalang magpapabago at magkakaroon nang magandang imahe ang airport. Pero walang nangyari at tila walang epekto ang mga puna. Ayon sa “Guide to Sleeping in Airportsâ€, ibinoto muli ang NAIA ngayong 2013 bilang isa sa mga pinaka-worst airport dahil sa pagiging crowded ng terminals, kakaunti ang mga upuan para sa mga pasaherong naghihintay sa delayed flights, kulang ang signages, walang 24-hour food service, marumi ang mga sahig, comfort rooms, unfriendly ang mga airport staff, at masyadong mababagsik ang mga immigration officers.
Ang iba pang worst airport ay ang sa Bergamo (Italy), Calcutta (India), Islamabad (Pakistan), Paris (France), Chennai (India), Frankfurt (Germany), Mumbai (India), Jakarta (Indonesia), Kuala Lumpur (Malaysia), Hanoi (Vietnam), Denpassar (Indonesia) at Bangalore (India).
Ang Singapore Changi Airport ang ibinotong pinaka-best airport at sinundan ng Seoul (Korea) at Hong Kong.
Dinepensa naman ng MIAA general manager ang mga bagong puna at batikos sa NAIA Terminal I. Wala naman daw pagbabago sa unang puna noong 2012. Naulit lang daw ang mga puna sa NAIA nga-yon. Hindi raw totoo ang mga puna kaya naibotong isa sa worst airport ang NAIA. Kung bibisitahin daw ang NAIA ay makikita ang pagkakaiba.
Kailan kaya pupurihin ang NAIA? Dapat magsikap pa ang mga namumuo sa NAIA para maalis sa kategoryang pinaka-worst airport. Walang marereport na masama kung walang nakita. Mayroong ebidensiya at iyon ang pinagbasehan sa pagboto. Pagsikapang pagandahin at pabanguhin ang NAIA para makaakit ng turista.
- Latest