^

PSN Opinyon

Utos ng SC, DENR rules sinusuway ni Sec. Paje

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NAKUKUWESTIYON sa maraming kontrobersiya ang integridad at kakayahan ni Environment and Natural Resources Secretary Ramon Paje.

Pinaghahandaan ng taumbayan ng Masinloc, Zambales, na ipa-contempt si Paje dahil sa pagsuway sa mga kalatas ng Supreme Court. Tatlong buwan na niya umano nilalabag ang utos ng SC na ipatigil ang maru-ming nickel mining doon at sa karatig na Sta. Cruz at Infanta (Pangasinan). Wala pa rin siyang matapat na ulat sa SC tungkol doon.

Winawasak ng nickel mines ang mga gubat, pinapatag ang mga bundok, pinuputikan ang mga ilog at karagatan, at pinarurumi ang hangin. Dinadala ang tone-toneladang nickel ore sa China, kung saan ginagamit ito panggawa ng armas at pang-espiya. Inagaw kamakailan ng Chinese navy ang Scarborough Shoal, bahagi ng Masinloc at pa-ngisdaan ng mga taga-Zambales, Pangasinan, at Ilocos. Malalaking kumpanya na nagpapanggap na “small scale” ang mga nagmimina. Ilan ay pag-aari ng Chinese, maski bawal ang mga dayuhan mag-exploit ng natural resources. May sariling seaport ang limang Chinese firms, para mag-smuggle ng barko-barkong ore pa-China.

Si Paje ang may kasalanan nang lahat. Miski hindi abogado, nag-legal opinion siya na maaring magmina sa labas ng mga tinalagang Minahang Bayan para sa maliliit na minero sa bawat probinsiya. Ang baluktot na opinyon ang ikinatuwiran ni Zambales Gov. Hermogenes Ebdane para mag-isyu, sa loob ng isang araw, ng 94 mining permits. Ni walang environment compliance certificate ang seaport ng mga Chinese. At ‘yan ang hinihingan ng SC na paliwanag mula kay Paje.

Sa pagkukunsinti sa ilegal na pagmimina sa Zambales, nilalabag ni Paje, isang forester, ang Forestry Code. Isa pang isyu laban sa kanya ang pagpapahintulot sa pagtutumba ng 6,500 puno sa Angono, Rizal, para sa expansion ng malaking quarry ng semento. Aba’y lalong babahain ang Rizal at Metro Manila, ala Ondoy nu’ng 2009, dahil sa kahibangang ito.

Zambales, nilalabag ni Paje, isang forester, ang Fo­restry Code. Isa pang isyu laban sa kanya ang pagpapahintulot sa pagtutumba ng 6,500 puno sa Angono, Rizal, para sa expansion ng malaking quarry ng semento. Aba’y la­long babahain ang Rizal at Metro Manila, ala Ondoy nu’ng 2009, dahil sa kahiba-ngang ito.

ANGONO

ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES SECRETARY RAMON PAJE

FORESTRY CODE

HERMOGENES EBDANE

METRO MANILA

PAJE

RIZAL

ZAMBALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with