^

PSN Opinyon

Mahabag Ka po sa amin!

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva - Pilipino Star Ngayon

SA paglubog sa Ilog Jordan ay pinagaling ng Panginoon si Naaman. Nawala ang kanyang ketong. Pinuri ni Naaman si Eliseo sapagkat inakala niyang ito ang nagpagaling sa kanya. Sinabi ni Eliseo: “Buhay ang Panginoong Diyos na aking pinaglilingkuran. Hindi ako tumatanggap kahit ano.”

Patungong Jerusalem si Hesus at nagdaan sa hangganan ng Samaria at Galilea. Sinalubong siya ng 10 ketongin: “Hesus! Panginoon! Mahabag Ka po sa amin”. Sagot ni Hesus: “Humayo kayo at pakita sa mga saserdote.” Gumaling sila habang naglalakad. Ang mga saserdote ang nakatalaga sa kagalingan ng mga Judio na nagkaroon ng karamdaman.

Ang Samaritano ay walang karapatang magtungo sa saserdote ayon sa pagkakahiwalay ng dalawang lahi kaya ang unang pumasok sa kanyang isipan ay balikan si Hesus upang magpasalamat. “Pinagaling ka dahil sa iyong pananalig.” Hindi man lamang bumalik ang siyam na Hudyong gumaling sa ketong upang magpasalamat kay Hesus. Sila’y nagbalik sa Jerusalem at doon sila nagpuri sa Diyos. Hindi nila pinasalamatan ang naging instrumento ng kanilang paggaling.

Ilan kaya sa atin ang bumalik sa mga doktor na nagpagaling sa atin at nagsabi: Salamat po doktor! Noong panahong iyon, ang ketong ay karumaldumal na sakit. Ngayon ay napakarami nang karumal-dumal na sakit hindi lamang sa katawan kundi sa isipan. Higit sa lahat ang sakit sa lipunan at mga tahanan. Ang sakit ng ating katawan ay may kagalingan subalit ang pinaka-masakit na sakit ay sa utak na kadalasa’y sinisira ng illegal drugs. Idalangin natin kay Hesus na pagalingin tayo sa ating mga karamdaman. Siya ang Dakilang Manggagamot ng ating buhay.         

2 Hari  5:14-17; Salmo 97; 2 Timoteo 2:8-13 at Lukas 17:11-19

***

Happy birthday: Alecza  Czandra Pineda Lleva (Okt. 11) at Jhoanna Paula Herrera  Esposa (Okt. 13)

 

ANG SAMARITANO

CZANDRA PINEDA LLEVA

DAKILANG MANGGAGAMOT

ELISEO

HESUS

ILOG JORDAN

JHOANNA PAULA HERRERA

MAHABAG KA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with