^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Taga-PNP din ang nagpaparumi sa sarili

Pilipino Star Ngayon

KUNG mababa man ang tingin ng mamamayan sa karamihan ng mga pulis, walang ibang dapat sisihin kundi mga pulis na rin. Walang ibang nagpaparumi sa kanila kundi sila na rin. Binabatikan nila ang sarili. Sa halip na alagaan at ingatan ang imahe, inilublob nila sa marumi. Kaya nga hindi masisisi ang taumbayan kung maging mababa man pagtingin at wala nang respeto sa mga alagad ng batas sa kasalukuyan. Kadalasan, makita lamang ang asul na uniporme ng pulis ay masama na ang iniisip ----hulidaper, mangongotong, corrupt, protector ng masasamang loob at marami pang iba. Sabi nila, kung ikaw daw ay nangangailangan ng biglaang tulong, huwag kang tatawag ng pulis sapagkat lalo kang mapapahamak. Iwasan ang pulis sapagkat hindi ka maililigtas.

Sa kabila na marami nang mga kapalpakang ginawa ang mga pulis, marami pa rin ang hindi nagtatanda o nagkakaroon ng leksiyon. Paulit-ulit lamang ang lahat at nangyayaring muli ang ginawang kapalpakan.

Kagaya ng isang pulis sa Quezon City na nakila-lang si SPO3 Enrique Galapate, 54. Nahaharap sa mga kaso si Galapate at maaaring matanggal siya sa serbis­yo. Sinampahan na siya ng kasong physical injury, alarm and scandal at dalawang counts ng grave threats.

Ayon sa report, nagtungo sa isang vulcanizing shop si Galapate at inutusan ang dalawang lalaking attendants na palitan ang gulong ng kanyang sasakyan. Nang matapos ang pagpapalit sa gulong, nagdemand ng bayad ang mga attendant. Nagalit si Galapate, na noon ay lasing at binunot ang baril nito. Nagtakbuhan umano sa takot ang dalawang attendants. Lalong nagalit si Galapate at walang habas na pinaputukan ang dalawang attendant. Hindi tinamaan ang dalawa pero isang matandang babae na noon ay nasa kanyang bilyaran ang tinamaan sa braso at suso. Nasa kritikal na kalagayan umano ang matandang babae. Tumakas si Galapate pero nahuli rin siya ng mga kapwa pulis. Inihahanda na ng Quezon City Police District ang pagtanggal kay Galapate.

Habang dinudumihan ni Galapate ang imahe ng PNP, tatlo namang hepe ng pulisya sa Metro Manila ang sinibak dahil sa “pagdoktor” sa mga nangyaring krimen sa kanilang nasasakupan. Binabawasan umano ng mga hepe ang nareport na krimen.

Marumi ang PNP. At walang nagparumi kundi mga miyembro rin ng PNP. Wala pa ring pagbabago. Tsk!Tsk!

AYON

BINABATIKAN

ENRIQUE GALAPATE

GALAPATE

METRO MANILA

PULIS

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with