‘Las Piñas murders’ (Ikalawang bahagi)
ISANG pangalan ang lumabas na umano’y may kinalaman sa brutal na pagpatay kay Ed… si Ricardo “Rekrek†Robles.
Nung Lunes itinampok namin sa aming pitak ang pagpatay sa isang ‘co-owner/CEO’ ng call center na Tech Support Global (TSG) sa Alabang. Si Edralin Adriano, 38 anyos. “Boss Ed†para sa kanyang mga katrabaho.
Nagsagawa ng operasyon ang mga pulis-Las Piñas base sa pahayag ng isang ‘confidential agent/informant’.
Ayon kay Ronnie Moreno--amain ni Ed, napansin ng isang tanod 5:00AM pasado na labas-masok sa ‘screen door’ ng bahay ni Ed ang isang lalaki. Kinalaunan nakilala raw niyang si Rekrek.
Inimbestigahan ng mga pulis si Rekrek. Itinuro ang kanyang bahay ng isang Allan Glenn Costillas. Pagdating ng mga pulis sa lugar may dala umano itong baril na may bala at bumunot.
Sinampahan nila ng kasong Robbery with Homicide at Carnapping si Rekrek. In-inquest siya at ang mga tumayong testigo ay isang tanod at si Antonio Bataller, 60 anyos. Wala ni isang miyembro ng pamilya ni Ed ang nandun sa ‘Inquest’.
Pinabulaanan naman ni Rekrek ang lahat ng akusasyon sa laban sa kanya.
Base sa sinumite niyang kontra-salaysay sa Prosecutor’s Office Las Piñas City nung Ika-10 ng Setyembre 2013:
Wala raw siyang kinalaman sa kaso at napagbintangan lang.
Pumasok na lang daw itong mga pulis ng walang dalang ‘warrant of arrest’ at inaresto siya. Nagulat siya ng patung-patong na kaso na ang kanyang kinaharap.
Hindi raw totoong bumunot siya ng ng baril ng araw na iyon at wala siyang baril.
“Nakita ko ang sinabing ‘computer facial image’ ng suspek na inilarawan ng isang testigo na isa raw tanod. Malaki ang pagkakaiba ng mukha ko sa mukha na lumalabas sa description… sa lahat ng angulo. Sa buhok pa lang… malago at mahaba ang buhok ko kesa sa buhok ng suspek…â€-laman ng salaysay.
Mas matanda raw ang nasa larawan kesa sa kanya. Ang larawang ito naman ang pinagbasehan ng mga pulis na humuli sa kanya matapos siyang ituro ng isang ‘confidential agent/asset’.
Magkasama raw sila sa inuupahang bahay ng ka-live niyang si Jamaica Tan, 22 taong gulang (nagbigay din ng salaysay). Hindi raw siya umalis ng kanilang lugar sa Admiral Village ng mangyari ang krimen.
Pilit lang daw siyang pinaamin ng mga pulis. “Ginamitan nila ako ng isang bagay na dikuryente at dinikit sa aking katawan, likod at ulo para lamang umamin hanggang sa ako ay mawalan ng malay. Pagkagising ko inulit pa nila ang kanilang ginawa at humingi po ako ng awa.†–sabi ni Rekrek sa salaysay.
Hindi rin daw siya marunong magmaneho. Nakakapagtakang nakita ang Isuzu Alterra ni Ed sa Molave St., Admiral Village malapit sa kanyang inuupahang bahay. “Kung ako talaga ang gumawa ng krimen ay bakit ko iiwan ang sasakyang nakaw at ginamit sa isang karumal-dumal na krimen malapit sa aking lugar? Hindi po pangkaraniwang gawain ng isang mamatay tao at magnanakaw na ipahamak ang kanyang sarili at ilapit sa kanya ang ebidensyang magdidiin sa kanya,†–sabi ni Rekrek sa salaysay.
Biktima lang daw siya ng maling akusasyon .
Ayon kay Ronnie, nagduda naman ang mga pulis ng makita ang umano’y mahahabang kalmot sa tiyan at likod ni Rekrek at ang malaking kagat sa baba ng kanyang pusod.
“Nag-away lang kami ng asawa ko at ako’y kanyang pinagkakalmot at kinagat,†giit daw ni Rekrek.
Kinalala naman si Rekrek ng isang kapitbahay ni Ed. Si Antonio Bataller o “Mang Tonyâ€, residente ng Sampaguita St. mula taong 1994.
Ayon sa salaysay na kanyang ibiningay sa pulis nung ika-18 ng Setyembre 2013, dalawang beses niyang napansin si Rekrek na labas-masok sa kanilang subdibisyon. Una nung ika- 2 ng Setyembre, habang buhat niya ang kanyang apo nakita niya ang lalaki at nagkatinginan pa raw sila dahil sa lobong nasa loob ng kanilang garahe na ginamit nung binyag ng bata isang araw ang nakakaraan.
Pangalawa nung ika-04 ng Setyembre bandang 7:30-8:30AM.
Nung mabalitaan niya ang sinapit ni Ed, pumunta siya sa burol at nakausap niya si Ronnie. Pinakita sa kanya ang larawan ng suspek.
“…Aking natandaan na ang nasa larawan ang taong dalawang beses ko ng nakita na dumaan sa’king harapan habang karga ko ang aking apo sa labas ng gate,†ayon sa salaysay.
Ika-18 ng Setyembre habang nasa loob siya ng Investigation Section at nagbibigay ng salaysay ipinakita sa kanya ng mga pulis ang Rouge Gallery. Dito na niya positibong tinuro ang nasabing lalaki na kanyang nakilala sa pangalang Ricardo Robles, 33 taong gulang.
Ayon sa Medico Legal Report na isinagawa ng PNP-Crime Laboratory, Southern Police District ni PCINSP. Voltaire Nulud, Medico Legal Officer;Conclusion- Cause of death is blunt traumatic Injuries, Head.
Maliban dito meron din mga sugat na nakita sa kanyang balikat, siko, tuhod at mga braso (defense wounds).
Sa isang preliminary investigation ang hinahanap lamang ay ‘probable cause’--“A small quantum of evidence is enough to establish probable cause that the accused could have possibly committed the crimeâ€.
Sapat na ba ang testimonya na ibinigay sa mga pulis para masabi na sila’y may ‘legal leg’ para patayuin ang kasong ito? Hindi kaya sa isang malawakang paglilitis madurog ang lahat ng ito?
Gaano kalakas ba ang memorya nitong si ‘Mang Tony’at matatandaan niya agad ang mukha nitong si Rekrek?
Ang testimonya ng tanod na pabalik-balik sa San Antonio Subdivision ang suspek, bakit ‘di niya agad sinita ito at tinanong kung sinong hinanap niya at pabalik-balik siya?
Kapag ang hukom tinimbang ang ebidensya ng ‘Prosecution’ laban sa ebidensya ng depensa ang pinag-uusapan ngayon dito ay ‘Beyond Reasonable Doubt’ o ang tinatawag na ‘guilty’ na walang kaduda-duda.
SA BIYERNES… ABANGAN kung sino itong ‘confidential agent/ informant’. Siya ba si Allan Glenn Costillas? Paano nakuha ng mga pulis ang taong ito? At ang pahayag ng isang nagngangalang “Kuletâ€. EKSKLUSIBO dito lang sa CALVENTO FILES sa PSNGAYON.
(KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig. Magtext sa 09213263166 (Dahlia), 09213784392 (Carla), 09067578527 (Mig), 09198972854 (Monique). Tumawag sa 6387285 / 7104038.
Hotlines: 09213263166, 09198972854
Tel. Nos.: 6387285, 7104038
- Latest