^

PSN Opinyon

Demolisyon sa Pasay

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

TINATAYANG nasa 200 pamilyang Muslim ang apektado sa isinagawang demolisyon sa Roxas Blvd., Pasay City kamakailan. Apektado rito ang marami sa mga kababayan nating Muslim na masama raw ang loob dahil sa pagkaka-demolish pati ng kanilang mosque sa naturang komunidad.

Pero ayon naman sa negosyanteng si Narciso Co Yu Ekey, naging mapayapa ang demolisyon dahil pumayag ang nakararaming  resident roon sa inalok na resettlement para sa kanila. Maging ang mosque raw ay binigyan ng mas magandang relokasyon sa 1,685 square meters lot na matatagpuan sa Don Galo, Parañaque City.

 Sabi pa ni Ekey  ang ibibigay na relokasyon sa mosque ay magiging permanente na ang ibig sabihin ay hindi na daranas ng demolisyon sa hinaharap. “The mosque to be constructed at the said given place would be considered as legal and permanent” anang negosyante bilang tugon sa ilang naghihimutok dahil sa pagkakagiba ng naturang mosque.

Batid naman natin na kahit anong relihiyon, lubhang sagrado at mahalaga ang isang templo o bahay sambahan. Umaasa ako na bibigyan ng pang-unawa ng ating mga kababayang Muslim ang sa tingin ko nama’y maganda panukala para sa kanila. Naiintindihan naman natin na ang isyu sa demolisyon ay palaging sensitibo at sabi nga hindi puwedeng masiyahan ang lahat sa ano mang desisyon. May papayag at may tututol.

Ipinabatid din sa atin na bago isagawa ang pagbuwag sa naturang lugar, magkaroon muna ng serye ng mga usapan kasama si Sultan Abdelmanan Tanandato (Presidente ng Rajah Sulayman Lumba-Ranao Grand Mosque and Cultural Center), Sultan Arsad Panantaon (administrator) at Imam Fatah Sarip.

Binigyan umano ng makataong konsiderasyon ang      mga naapektuhan Muslim kung kaya sa pangkalahatan ay naging maayos ang demolisyon ayon sa negosyante.

Nauna rito’y nagkaroon na ng serye ng mga tangkang demolisyon sapul pa noong 2004 pero dahil sa pagtanggi ng mga illegal settlers sa naturang lugar, hindi ito naipatupad. Ngunit noong September 7, sinabi ni Ekey na nagpalabas ng court order ang Parañaque City Regional Trial Court Judge Branch 274 para agarang ipatupad ang demolisyon dahil ang mga nakatayong istruktura roon ay itinuturing na illegal.

 

CITY REGIONAL TRIAL COURT JUDGE BRANCH

DEMOLISYON

DON GALO

EKEY

IMAM FATAH SARIP

NARCISO CO YU EKEY

PASAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with