Suriin ang food supplements
NAPAKARAMING food supplements ang mabibili sa botikaÂ. Sa dami ay nakakalito na. Dahil dito, susuriin natin ang limang popular food supplements.
1. Silymarine – Ang silymarine daw ay para sa atay. May ibang naniniwala na kahit uminom ka ng alak o kumain nang maraming taba, ay makatutulong ang silymarine. Hindi po ganito ang paggamit nito. Ang silymarine ay binibigay lamang kung ang pasyente ay may hepatitis o cirrhosis. Kung healthy naman ang atay, puwedeng hindi na uminom ng silymarine.
Para saan ito: Hepatitis, cirrhosis.
Grado: B
2. Coenzyme Q-10 – Ang coenzyme Q-10 ay isang anti-oxidant. May mga pagsusuri na nagpapakita na mabisa ang coenzyme Q-10 sa mga pasyenteng mahina ang puso o may heart failure. Hinihinalang baka makatulong din ito sa Parkinson’s disease at kanser.
Para saan ito: Heart failure
Grado: B
3. Ginkgo biloba – Ang ginkgo biloba ay nagmula sa dahon ng ginkgo tree. Ito ay nakapagpapalabnaw ng dugo tulad ng aspirin. Kagaya ng aspirin, puwede itong makaÂtulong sa pag-iwas sa stroke at heart attack. Ngunit hindi pa ito subok ng siyensiya. Dapat din ingatan ang pag-inom ng ginkgo biloba kasabay ng Aspirin. Posibleng masyadong lumabnaw ang dugo at magdulot ng pagdurugo.
Para saan ito: Pagbabara ng ugat sa paa.
Grado: B
4. Melatonin – Ang melatonin ay isang hormone na gawa ng ating pineal gland sa utak. Nakatutulong ito sa pag-ayos ng ating pagtulog lalo na kung may jet lag. MaÂkatutulong din ito sa pagÂpapahimbing ng ating pagtulog. May nagsasabi na may anti-cancer effect din ang melatonin.
Para saan ito: PampaÂtulog
Grado: B+
5. Omega 3 Fish Oil – Ang Omega 3 fish oil ay tinatayang pinakamabisang food supplement sa lahat. Ito’y dahil napatunayan itong mabisa para sa pag-protekta sa puso, pagbaba ng cholesterol, at pag-iwas sa stroke at heart attack. Ayon sa pagsusuri, nakita ng mga doktor na ang mga umiinom ng Omega 3 ay mas-healthy kumpara sa hindi umiinom nito.
Para saan ito: Sakit sa puso, mataas ang cholesterol.
Grado: A
Huwag po basta iinom ng food supplements. Aralin at alamin kung babagay ito sa inyo. Good luck po!
- Latest