Taxi modus
BINABALAAN ang publiko sa mga nagpapanggap na taxi driver na pagala-gala sa lansangan! Ito ‘yung mga gasgas nang “Ipit-taxi gang,†“Ativan gang,†at iba pang gawain ng mga sindikatong nambibiktima ng pasahero.
Ngayong “ber†months malaki ang posibilidad na mabiktima kayo ng mga sindikato! All year round ang modus ng mga masasamang-loob na ginagawang “mukha†ang taxi. Wala silang pinipiling lugar at personalidad para maisagawa ang kanilang balak!
Pangunahin nilang target, mga babae! Mahina kasi sila sakali mang pumalag sa kriminal. Alam na ng mga sindikato ang iikutan at rorondahang lugar pagkagat ng dilim. Bago pa man nila ikasa ang kanilang operasyon, napag-aralan na nila ang kanilang mga bibiktimahin.
Sa mga babaing pasahero ng taxi, maging alerto sa pagkilatis sa mga drayber at sasakyang taxi. Ipagbigay-alam sa inyong mga kapamilya, kamag-anak at kaibigan ang pangalan at plate number ng taxi, kung saan kayo sumakay at ilang pisikal na pagkakakilanlan ng drayber. Sa puntong ito, mag-aalangan ang taxi driver na isagawa ang kanilang balak!
Mag-ingat!
* * *
Sa iba pang anti-crime tips ngayong “ber†months, manood at makinig ng Bitag Live! araw-araw tuwing 10:00-11:00 ng umaga sa AKSYON TV Channel 41 at Radyo 5 o via live streaming sa www.bitagtheoriginal.com/bitagsaradyo.
- Latest