^

PSN Opinyon

Mamamayang Pilipino nag-aaklas tuwing 15 taon

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MERONG napansin si history Prof. Jaime Veneracion. Nagtatagumpay ang mga kilusang mamamayan na isinagawa sa unang sigwa ng taon. Nariyan ang First-Quarter Storm of 1970, nang umalsa ang kabataan laban sa bulok na sistemang panlipunan. Nariyan ang February 1986 People Power Revolution, na nagpabagsak sa diktador. At nariyan ang January 2001 EDSA-Dos, na nagpatalsik sa mangu-ngulimbat. Bakit nga ba sa unang sigwa nagtatagumpay? Dahil kaya nagsisimula ang taon na puno ng pag-asa? O kaya, nalulusaw ang social upheaval kapag inabot ng tag-piyesta sa Mayo ng ikalawang sigwa, tag-bagyo sa ikatlong sigwa, o Kapaskuhan sa huling sigwa?

Idadagdag ko naman ang sariling obserbasyon: Nag-aaklas ang mamamayan tuwing mga 15 taon. Pansinin ang agwat ng 1970 sa 1986, at 1986 sa 2001: halos o eksaktong tig-15 taon ang pagitan.

Kuwentahin din: Merong 75 taon -- o limang tig-15 taong yugto, sa pagitan ng 1970 at 1896. Swak sa obserbasyon ang taon nang sumigaw sa Balintawak ang 5,000 Katipunero. Pero kung ibabatay sa napansin ni Dr. Veneracion, labas sa unang sigwa ang Agosto ng Himagsikan. Talo!

Walang matingkad na naganap nu’ng 1881, 15 taon bago 1896. Pero merong matagalang Propaganda Movement laban sa Kastila mula 1872. Maliban sa malawakang mobilisasyon laban sa Hapones nu’ng 1941-42, wala ring matingkad na naganap nu’ng o halos 1911, 1926, at 1956, na tig-15 taong yugto bago ang 1970-1986-2001.

Pero kung kukuwentahin mula 2001 at kung mananaig ang 15-year cycle, nakatakdang umaklas muli ang mamamayan sa 2016. Ang kasalukuyan malawakang pagkilos ng mamamayan kaya laban sa pork barrel ay patungo sa isang malaking sukdulan sa 2016?

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

 

 

AGOSTO

BAKIT

DR. VENERACION

FIRST-QUARTER STORM

JAIME VENERACION

NARIYAN

PEOPLE POWER REVOLUTION

PERO

PROPAGANDA MOVEMENT

TAON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with