^

PSN Opinyon

Customs na may kaso bungkalin

ORA MISMO - Butch M. Quejada - The Freeman

MAY mga reporma Raw na ipinatutupad si Customs Commissioner Ruffy Biazon sa bureau para mapigilin daw ang malalang smuggling activities sa aduana na kasapakat ang mga bugok na tauhan dito.

Hindi kasi abogado si Ruffy at talaga naman walang experience ng umupo sa kaharian ng isa sa pinaka-kurap na ahensiya ng gobierno kaya ang nangyari dahil sa hindi mapigilan smuggling activities habang tinitimon niya ito kaya napikon si P. Noy noon nakaraan State of the Nation Address nito at hindi nakapagpigil na binatikos ang mga ‘nanghihiram ng kapal ng mukha’ sa BOC.

Sa kahihiyan inabot, nag-text si Ruffy kay P. Noy para sabihin na gusto na niyang bumitaw sa BOC.

Sabi nga, bakit text messages ? Hindi ‘irrevocable letter of resignation’ ang isinumite ni Ruffy sa Malacanang para mapag-aralan kung ano talaga ang balak sa kanyang gawin. Hehehe !

Dahil magkasangga si P. Noy at Ruffy mukhang nabaon na rin sa limot ang mga sinabi ng pangulo sa SONA nito tungkol sa BOC.

Samantala, sakay naman agad sa isyu ang ibang mambubutas este mali mambabatas pala para magsagawa raw ng imbestigasyon.

Ika nga, ‘in aid of Legislation.’

‘ano ngayon ang nangyari may bumubusisi ba sa BOC ?’ tanong ng kuwagong napagalitan.

‘wala noh, natabunan ng todo ang isyu sa BOC sa pagputak este mali pagputok pala ng mga isyu regarding kay Janet Lim Napoles at siempre ang giyera patani sa Zamboanga’ sagot ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, para malaman ni Biazon ang tindi ng mga smuggling activities sa bureau dapat ipinatawag niya ang kanyang Chief Legal at inutusan niyang i-frollow up o tignan niya ang mga empleado niyang may mga kaso tulad ng pagkakasangkot sa pagpupuslit, extortion at mga naging kasabwat nito.

‘tiyak magugulat si Ruffy sa makikitang mga empleado na may mga kaso hindi lang sa legal division kundi maging sa mga korte, DOJ at iba pa’ sabi ng kuwagong sawi.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dito magkakaroon si Ruffy ng knowledge kapag nakita niya ang records mula sa Legal Division sa mga katrabaho niyang may mga pending cases at makikilala pa niya ang mga ito kasi ang iba sa kanila ay nasa mga juicy at sensitive position pa dahil na rin siguro sa mga mabibigat na ‘padrino’ ng mga bugok.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, makikita at malalaman pa ni Biazon kung anong kaso ang sinabitan ng mga empleado niyang may mga ‘sleeping case’ ngayon.

‘hindi ba may due process ?’

‘Yes gusto lang natin ituro kung paano makikita ang mga pinaggagawa nila kung bakit sila sumabit.’

‘hindi iyong mga pinababalik niya sa mga mother unit dahil iyong iba sa mga ito kaya tinanggal sa puwesto dahil nagsisabit at itinapon sa kangkungan pero iyong mga sinasabing may mga malalakas na padrino ay nasa sensitive at juicy position pa rin.’ sabi ng kuwagong taga-bigay ng intelihensiya..

Abangan.

Giyera patani patapos na sa Zambo, MNLF huwag patakasin

BIRADA ng mga authorities malapit ng matapos ang giyera patani sa Zambo dahil ilang barangay na lamang ang hinahawakan ng mga MNLF habang nakatago sila sa palda at brief ng mga hinostage nila. Hehehe !

Sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, kordon na kordon ng militar, pulisya at mga naka-bonnet na kano este mali Special forces pala ang dagat at pinaglu-lunggaan ng MNLF .

Sabi nga, masusupot sila ng mga authorities !

Sa nangyaring giyera patani sa Zambo malaking epekto ito hindi lang sa ekonomiya ng probinsiya kundi maging sa Philippines my Philippines dahil lahat ng negosyo ay sagrado este mali sarado pala doon kasama ang airport.

Sabi nga, billion of pesos ang nawala !

Kaya naman sa pangyayari ngayon matapos ang mga press releases ay magbubukas na rin sa wakas ang Zambo airport simula ngayon umaga.

Sabi nga, hurrah, hurrah, hurrah !

Abangan.

ABANGAN

BIAZON

CHIEF LEGAL

CUSTOMS COMMISSIONER RUFFY BIAZON

DAHIL

RUFFY

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with