^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Please, h’wag tutulug-tulog!

Pilipino Star Ngayon

TIYAK na mayroong “natulog sa pansitan” kaya nakapasok ang MNLF-Misuari faction sa Zam­boanga City noong Setyembre 8. At kailanman ay hindi ito aaminin ng Philippine National Police o Armed Forces of the Philippines. Kapag inamin nila, para na ring sinabi nila na wala silang kuwenta lalo na ang PNP dahil mismong sa siyudad ng Zam­boanga naglungga ang mga pasaway na MNLF. Ayon sa mga residenteng hinostage sa Sta. Catalina Village, bigla na lang naglutangan ang mga armadong lalaki (ang ilan ay mga edad 20 pataas) at pinasok ang kanilang mga bahay at binihag sila. Ginawa silang panangga nang sumalakay ang mga sundalo. Paano nakapasok sa lungsod ang mga armado na hindi naamoy o natiktikan ng PNP o AFP. Hindi ba’t may intelligence fund sila? Hmmm.

Nasira ang bahagi ng lungsod dahil sa matinding bakbakan. Hindi pa humuhupa ang labanan habang sinusulat ito. Kung kailan matatapos ang labanan ay walang nakaaalam. Pero ayon sa report, hindi lulubayan ng military ang mga MNLF na naglulungga sa mga barangay. Ang kinakatakot ng mga residente ay maaaring humalo ang MNLF sa kanila at walang mahuli ang military. May mga nakitang uniporme ng MNLF sa Catalina Village at suspetsa ng military, nagpalit ng damit ang mga miyembro ng MNLF para hindi sila mapaghinalaan. Sinusuyod pa ng military ang nasabing barangay kung may nagtatago pang MNLF doon.

Habang hindi pa natatapos ang bakbakan sa Zamboanga, dapat din namang hindi “matulog sa pansitan” ang mga awtoridad sa maraming bahagi ng Mindanao o maski sa Metro Manila. Maaaring magsagawa ng pagpapasabog sa mga matataong lugar ang mga taong may “utak tingga at pulbura”. Patunay dito ang nangyaring pagsabog sa SM City at  Gaisano Mall sa Davao City noong Lunes ng umaga. Sumabog ang bomba sa sinehan ng SM at makaraan ang ilang minuto ay may sumabog sa loob ng Gaisano. Limang tao ang nasugatan.

Paano naipasok ang bomba? Natutulog ang guwardiya­ ng dalawang mall? Tsk!Tsk! Pumapalpak ang PNP at AFP sa pagbabantay. At pati ba naman mga guard sa mall ay tutulug-tulog din. Huwag namang tutulug-tulog sapagkat kawawa ang ino­senteng mamamayan na madadamay.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CATALINA VILLAGE

DAVAO CITY

GAISANO MALL

METRO MANILA

MNLF

PAANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with