Bagong ‘big bang’?
Patuloy ang buhay sa ating daigdig
Tayong mga tao’y gumising umidlip;
May araw at gabing laging nagpapalit
Dilim at liwanag laging sumasaglit!
Sa lagay na ito ng daigdig ngayon
Ang buhay ng tao ay nagpapatuloy;
May bansang payapa may bansang patapon
Dahil sa may gyera’t labanang maapoy!
Di lahat nang araw ang mundo’y payapa
Dahil ginugulo ng katabing bansa;
Ang ating daigdig na dati’y sagana
Sa dami ng tao’y ubos ang biyaya!
Buong kalawakan ngayo’y iniikot
Nitong ating mundong tila di na bilog;
Dahil nakita n’yang ang ating sinukob
Tayong mga tao ay nagpapanghamok!
Dahil sa ganito ang takbo ng buhay
Ang ating daigdig ay nahihirapan;
Hindi niya batid ang kasasapitan
Kung siya’y lalagi sa kaitaasan?
Bansang maliliit at bansang malaki
Hindi magkasundo sa maraming parte;
Ang bansang tahimik ay inaatake
Ng bansang magulo at gustong maghari!
Sana sa daigdig ang tao’y magbago
Ang puso at diwa maging positibo;
Pag hindi nagbago masasamang tao –
Isang bagong “big bang†sasapit sa mundo!
- Latest