^

PSN Opinyon

Hinahanap tayo ni Hesus

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva - Pilipino Star Ngayon

BINALEWALA, nawala at winala. Ito ang tatlong-uri ng pagkawala. Para bang naghinanakit ang Diyos sa Israelites na matapos silang ibalik sa kanilang bayan ay binalewala ang kabutihan ng Diyos. Sumamba sila sa mga diyus-diyusan. Plano silang lipulin ng Diyos subalit nagmakaawa si Moises. Ipinaalaala niya ang pangako ng Ama kina Abraham, Isaac at Jacob na pararamihin sila tulad ng mga bituin sa langit.

Mapagpatawad ang Diyos. “Babalik ako sa Ama, pagka’t ako’y nagkasala”. Tulad ni Moises ay ipinahayag din ni Pablo kay Timoteo na si Hesus ay naparito upang iligtas ang mga makasalanan. Tulad sa nawawalang tupa tayong mga makasalanan ay hinahanap ni Hesus upang magsisi. Kaya lubos ang kagalakan ng mga anghel sa langit, “makipagsaya kayo sa Akin, sapagka’t nasumpungan ko sa wakas ang tupa kong nawawala”.

Ganundin ang kagalakan ng babaing muling nakita ang nawawalang pilak. “Makipagsaya kayo sa akin, sapagkat nasumpungan ko sa wakas ang nawala kong salaping pilak”. Ang ika-tatlong nawawala ay ang bunsong anak na matapos hingin ang kanyang mana sa ama ay lumayas. Nilustay ang kayamanan, naghirap, naging alipin ng isang mayaman. Nagbalik sa ama: “Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawagin ninyong anak”. Sila’y kumain at nagsaya sapagkat namatay ang kanyang anak ngunit muling nabuhay, nawala, ngunit muling nasumpungan.

Ang tatlong bahagdan ng pagkawala at pagkatagpo ay katumbas din ng tatlong kagalakan. Ang kabuuan ng pagkawala at pagkatagpo ay pawang kagalakan. Ito ang pag-ibig ng Diyos na walang hangganan.

Nakapagtataka na marami sa mananampalataya ay hindi nakipagdiriwang sa kanilang simbahan anumang relihiyon nabibilang. Ang dahilan sila raw ay may kasalanan, Kapatid, mas lalo ka dapat pumasok sa iyong simbahan upang humingi ng kapatawaran. Ang Diyos ay hindi lamang mapagpatawad kundi mapag-aruga at mapagpala.

Exodo 37:7-11,13-14; Salmo 50; 1Timoteo 1:12-17 at Lukas 15:1-32

* * *

Maligayang pista sa Sariaya, Quezon (Setyembre 13, 14 at 15).

 

ANG DIYOS

BABALIK

DIYOS

EXODO

GANUNDIN

HESUS

MOISES

TULAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with