Isa pang krisis kay P-Noy
NOONG Presidente si President Marcos, ang battle cry niya ay “isang bansa, isang diwaâ€.
Gusto nating lahat na manatiling one nation, one spirit ang ating beloved Philippines.
Kaso itong si Moro National Liberation Front (MNLF) Chief Nur Misuari ay gustong magtatag ng Bangsamoro Republic sa Mindanao. Ibig hiwain na parang birthday cake ang Pinas sabay pagsigaw ng “Isang bangsa isang hiwa!â€
Ang top story ngayon ay ang tungkol sa pagsalakay ng armadong tropa ni Misuari sa Zamboanga City na doo’y nang-hostage sila ng may 300 mamamayan at ang ibig pala ay itaas ang bandila ng “Bangsamoro Republic†doon at magdeklara ng kalayaan.
Ang malaking pagkakamali ng administrasyong Aquino ay ang pag-itsapuwera sa Malaysian sponsored peace negotiations ng pamahalaan sa grupong Moro Islamic Liberation Front (MILF) ni Hashim Salamat.
Pero ano man ang dahilan ng kanilang pagsalakay, saan mang anggulo tingnan ay palso.
Naging gobernador na ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) si Misuari. Ibig sabihin, kinilala niya ang awtoridad ng pamahalaan at nagpailalim siya sa mga batas nito. Pero nang muli siyang kumandidato noong nakaraang eleksyon, natalo siya ni Mujib Hataman na siyang gobernador ngayon ng ARMM.
Lumilitaw tuloy na ang kanyang deklarasyon ng kala-yaan ay isang uri ng sour-graping bagamat may matibay siyang rason. Kasi naman dinaan niya ito sa karahasan. Isa pa, ang Zamboanga ay hindi sakop ng ARMM kaya hindi dapat puntiryahin ng MNLF.
Isang bagay din ang hindi ko maunawaan. Bakit walang nagawa ang police at military sa paglusob ng grupo ni Misuari na ilang daan lang ang bilang at nakasakay lamang sa mga banka?
Kung ang ganyang pagsalakay ay nangyari sa Zamboanga, posibleng-posible na mangyari din ito sa Metro Manila dahil malamang na may mga MNLF rin na naninirahan dito.Ang gagawin lang ng mga ito ay maghanda ng kanilang armas at sumalakay ng sabay-sabay.
- Latest