^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Sinasanay sa Katiwalian (SK)

Pilipino Star Ngayon

SA registration ng mga botante noong Hulyo, nakapagtatakang dumagsa ang maraming magpaparehistro. Halos magpatayan sila sa pagpasok sa gusali para makapagrehistro. May halos magkapalit ng mukha sa pagsisiksikan at pagtutulakan. Ilang tao ang nasaktan. Karamihan sa mga nagparehistro ay nagsabing hindi sila nakaboto noong nakaraang May 13 election. Sayang naman daw kung hindi makakaboto sa barangay election sa susunod na buwan. Ang nakapagtataka lang, kung kailan last day ng filing saka sila nagkumahog at hatid-sundo sila ng mga multicab na pag-aari ng barangay. Maraming sasakyan ng barangay ang naispatan sa mga lugar na pinagdausan ng registration.

Napag-alaman na “hakot” pala ang mga nagparehistro. Ang nagpahakot umano ay ang tatakbong barangay chairman. Nagpapabango ang barangay chairman sa kanyang nasasakupan kaya walang tigil ang paghahakot ng mga botanteng makatutulong din sa kanila.

Pero hindi lamang pala ang nakaupong barangay chairman ang may hangad na tumakbo kundi pati na rin ang kanyang anak na tatakbong Sangguniang Kabataan (SK) Chairman. Kaya naman pala walang pakundangan kung maghatid-sundo ng mga magpaparehistrong kabataan at mga hindi nakapag-re-gistered noong nakaraang May 13 election.

At hindi na nakapagtataka kung bakit maraming naghahangad tumakbong barangay chairman at SK chairman, iyan ay dahil sa malaking pondo na nakalaan sa kanila. Isinasama sa budget ang pondo para sa barangay chairman at SK chairman. Ayon sa report, P2 billion ang nakalaan para sa SK chairman.

Ang SK ay itinatag para magkaroon ng training ground ang mga kabataan na nagnanais maglingkod at maging lider sa hinaharap. Sa SK sila magkakaroon nang matinding pagsasanay kung paano magpatakbo ng samahan at maging kapaki-pakinabang. Sila rin ang role model ng mga kabataan sa barangay.

Subalit hindi ganito ang nakikita sa kasaluku-yang ginagawa ng SK. Kaya lamang sila tumakbo ay dahil sa paghikayat ng kanyang amang barangay chairman. Gusto ni Chairman na ang anak ang puma­lit sa kanya sa oras na mawala siya sa puwes­to. Lumulutang ang political dynasty kung saan silang mag-ama ang gustong maghari sa barangay. Breeding ground ng corruption ang SK. Maaga pa ay tinuturuan nang maging corrupt ang mga kabataan. Buwagin na ang SK. Pigilan ang pagdami ng mga
“buwaya” sa barangay.

AYON

BARANGAY

BUWAGIN

CHAIRMAN

KAYA

SANGGUNIANG KABATAAN

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with