^

PSN Opinyon

Ang maitim na budhi ng China

- Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

Huwag na tayong umasa na gaganda pa ang diplomatic relations ng ating bansa sa China. Ang dambuhalang bansang ito ay may maitim na binabalak laban sa Pilipinas. Katulad din ng Amerika, ang China ay naniniwala sa isang primitibong paniniwala na “might is right”. Dahil sa kanyang military might sa kasalukuyan, hindi mag-aatubili ang China na sakupin at angkinin ang buong Pilipinas any day or year or decade from now. Kung ang Amerika ay walang pakundangang lumusob sa Iraq, sa Panama, sa Pakistan, sa Afghanistan, at any time now sa Syria, ng kung anu-anung dispalinghadong dahilan, what will prevent China from doing the same to the Philippines?

Ang Amerika ay walang binabanggit na may hawak silang ancient map na kasama ang mga bansang nabanggit sa kanilang land territories unlike China na nagyayabang sa buong mundo na ayon sa kanilang mga lumang mapa, ang Pilipinas daw ay integral part ng kanilang land territory. Sino ang makakapigil sa kanilang “might” kung tuluyan na tayo sakupin at angkinin balang araw? Ang sasabihin na lang ng buong mundo ay “right” ‘yang ginawa ng China laban sa Pilipinas dahil sa kanilang “might”.

Ang makakapigil lamang sa China na magpaandar sa atin ng kanyang “might” ay ang Amerika. Kaya para sa akin, dapat anyayahan na natin ang Amerika na mag­karoon sa Pilipinas, especially diyan sa West Philip­pine Sea ng mga military bases. At least, unlike China, hindi tayo lalamunin ng Amerika dahil ito ay bulwark of democracy in the world kuno, kahit ba sabihin nating  nagpapanggap lang ito. We can take the risk with the US but not with China, the evil hegemon which will claim our territory as part of their living space one day katulad ni Hitler na nagtangkang angkinin ang buong Europe dahil sa leben­sraum or living space doctrine nito.

AMERIKA

ANG AMERIKA

CHINA

DAHIL

HUWAG

KATULAD

KAYA

PILIPINAS

WEST PHILIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with