Magna-nakaw ng cuarta!
NAKADIDISMAYA ang panukalang Magna Carta for Journalists ni Senador Jinggoy Estrada. Ang lahat ng mga media practitioners ay oobligahing kumuha ng licensure examination bago pahintulutang mag-practice ng propesyon.
Sa pagpupulong namin kamakailan ng board ng Philippine Press Institute (PPI), napagkasunduan na bumuo ng official position ang PPI na humahadlang sa panukalang batas na ito na hantarang pagsikil sa kalayaan ng pamamahayag.
Pinahihina kasi ng ganyang batas ang kalayaan sa pamamahayag ng mga media practitioners kaya tutol ang PPI na laging lumalaban sa tuwing nanganganib ang ganyang kalayaan. Such move will clearly dilute press freedom and subject journalists to certain rules in the exercise of their profession.
Kung may makikinabang man sa ganyang batas, walang iba kundi ang mga tiwali at magnanakaw na opisyal ng pamahalaan na hindi na basta-basta mababatikos at mailalantad ang mga anomalyang ginagawa.
Kaya ang dapat itawag diyan ay MAGNA CARTA para sa mga MAGNA-nakaw ng CuARTA. Ipaghalimbawa natin ang issue sa pork barrel. Malayang nailalantad at natutuligsa ng mass media ang usapin dahil sa itinatadhanang freedom of expression ng Saligang-batas. Kung gagawa ng batas na maglilimita sa karapatang ito ng media, malamang na mapagtakpan ang mga kabulukan sa ating lipunan.
Ang lahat ng may malasakit sa demokrasya at kalayaÂan, mamamahayag man o hindi ay dapat lang sumuporta sa pagtutol sa panukalang ito. Malinaw sa Konstitusyon, lalu na sa bill of rights na ang ang kalayaan sa pamamahayag ay hindi puwedeng tinagin. It cannot be abridged.
Sa ilalim ng Senate Bill 380 o “Magna Carta for Journalists,†na inihain ni Jinggoy, kakailanganing kumuha ng professional journalism examination ang mga reporter, editor, at photographer.
Itinatadhana sa panukala ang pagbuo ng Philippine Council for Journalists (PCJ) na siyang may karapatang magsagawa ng “Professional Journalist Examination†at magbigay ng accreditation sa mga mamamahayag. Hmmm…nakakaamoy na tayo ng censorship diyan. Kapag may malakas na politiko na natuligsa ang isang journalists, posibleng tanggalan siya ng lisensya. Grabe iyan ha?
- Latest