Kagat ng daga at ibang hayop
MATINDI ang kagat ng daga at puwedeng magdulot ng seryosong impeksyon. Ang tawag sa sakit na ito ay rat bite fever. Dulot ito ng bacteria na streptobacillus o spirillum minus. Nakamamatay ang sakit na ito kaya dapat mag-ingat.
First-aid sa kagat ng daga at ibang hayop:
Umiwas sa daga. Huwag lumapit sa wild rat. Dapat ay mas takot siya sa iyo, pero kapag ginulo mo siya, baka ka niya kagatin. Kung may alagang daga, sabihan ang may-ari na ikulong muna ang daga.
Kung may kinagat na biktima, magsuot ka muna ng gloves para protektahan ang sarili.
Kung malakas ang pagdurugo, i-kontrol ito sa pamamagitan ng pagdiin sa sugat.
Linising maigi ang sugat sa pamamagitan ng sabon at maligamgam na tubig. Linisin ang loob ng sugat at si-guraduhing natanggal mo ang lahat ng sabon sa sugat.
Puwede lagyan ng Povidone Iodine (Betadine) ang sugat.
Pagkatapos ay maglagay ng antibiotic ointment sa ibabaw ng sugat bago tapalan.
Takpan ang sugat nang malinis na bandage o gauze.
Kung ang sugat ay nasa daliri, tanggalin muna ang singsing. Dahil kapag namaga na ang daliri, hindi mo na matatanggal ang singsing.
Kumunsulta sa doktor, lalo na kung malalim ang sugat. Baka kailangan itong tahiin.
Kung ang sugat ay nasa mukha o kamay, kaila-ngang patingnan sa doktor dahil baka may tinamaang importanteng ugat at maparalisa ang biktima. NagpepekÂlat din ito. Puwede ring pumunta sa mga animal bite center ng pribado at gobyernong ospital.
Ang kinakatakutang rat bite fever ay puwedeng lumabas 10 araw pagkatapos makagat. Ang sintomas nito ay lagnat, sakit ng ulo, pagsusuka, kirot sa likod at kasu-kasuan.
Uminom ng antibiotic tulad ng Amoxicillin 500 mg capsule 3X a day sa loob ng 10 araw. Mas malakas ang Co-Amoxiclav 375 mg tablets 3x a day sa loob ng 10 araw.
Tandaan, impeksiyon ang pinakamatinding kalaban sa kagat ng hayop, lalo na ang daga.
- Latest