^

PSN Opinyon

P5-Bilyon pork ni Pres. Noynoy

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KOMPLIKADONG problema ang nilikha nang sumam-bulat na P10-bilyon pork barrel scam. Pati ang multi-bilyong pondong hawak ng Pangulo na kung tawagin ay Presiden-tial Social Fund ay gustong ipabasura ng taumbayan.

Iniulat ng Philippine Gaming and Amusement Corporation (PAGCOR) sa hearing ng Mababang Kapulu­ngan na may nakalaan nang pondong P2 bilyon para sa Pangulo sa taong ito at dagdag na P2.5 bilyon sa susunod na taon.

Kahit sinabi ng Pangulo na bubuo ng bagong mekanismo sa paggastos ng Priority Development  Assistance Fund (PDAF), tahasan naman siyang tumutol sa pagtinag sa sarili niyang pondo. Kesyo paano raw siyang makareresponde sa panahong pangkagipitan tulad ng mga kalamidad? Sabagay may katuwiran ang Pangulo. Kaso, nawalan ng tiwala ang taumbayan sa mga opisyal na nagpapatakbo ng gobyerno.

Hindi masisisi ang taumbayan dahil sa kanilang masaklap na karanasan nang lustayin ng ilang mambabatas ang kanilang ibinabayad na buwis sa pamamagitan ng mga pekeng proyekto at mga palsipikadong Non-Go-vernment Organizations (NGO).

Bagamat nasa kamay na ng batas ang babaeng sinasabing utak ng pork barrel scam na siya ring bumuo ng mga fake NGO’s, tahasan pa ring pinaninindigan ng mga kasangkot na mambabatas na wala silang katiwaliang ginawa.

Ano iyan, trying to justify their wrongdoings?  Sabi ng Genesis 1:27 nilikha ng Diyos ang tao nang naaayon  sa kanyang anyo.  Pero sa takbo ng panahon ngayon, tila ang tao  ang lumilikha  ng sariling diyos nang ayon sa kanyang makasalanang anyo. Isang diyus-diyosan na papanig sa kanilang mga kabalbalan. Hindi puwede iyan.

Ang hangad ko lang ay maipit na sa isang sulok ang lahat ng gumawa ng katiwaliang ito at mabigyan ng tamang proseso ng batas nang mailapat nang tama ang hustisya. Kapag nangyari ito, naniniwala akong magkakaroon ng positibong reporma sa ating pamahalaan. Huwag sanang matulad sa ibang kontrobersyal at big-time na kaso ang scam na ito na sa katagalan ay nalibing sa limot. lahat ng gumawa ng katiwaliang ito at mabigyan ng tamang proseso ng batas nang mailapat nang tama ang hustisya.

Kapag nangyari ito, naniniwala akong magkakaroon ng positibong reporma sa ating pamahalaan. Huwag sanang matulad sa ibang kontrobersyal at big-time na kaso ang scam na ito na sa katagalan ay nalibing sa limot.

 

ASSISTANCE FUND

HUWAG

KAPAG

MABABANG KAPULU

NANG

PANGULO

PHILIPPINE GAMING AND AMUSEMENT CORPORATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with