^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hindi na dapatihain ang pork barrel

Pilipino Star Ngayon

NAKAKAUMAY at nakasusuka ang pork barrel fund. Kaya malakas na naman ang panawagan na tuluyan itong ibasura. Dahil dito, meron na namang nagbabantang protesta sa Setyembre 11. Ito ay para raw tuluyang ibasura ng Presidente ang pork barrel. Marami ang hindi nasiyahan sa inihayag ng Presidente na bubuwagin na ang PDAF. Paano’y pinalitan lang ng damit ang PDAF pero iyon pa rin iyon.

At habang ang mamamayan ay nagngingitngit sa pork barrel, inihayag naman ng Malacañang na kasama muli sa 2014 budget ang pork barrel fund. Ang pork barrel sa susunod na taon ay P25.2 billion. Sinabi ni Aquino na aayusin daw ang sistema sa pagbibigay ng PDAF. Wala na rin daw non-government organizations (NGOs) at kung anu-ano pang grupo na gagamitin ang pondo ng mambabatas.

Maraming nag-akala na tuluyan na ngang ibabasura ang pork barrel sapagkat ugat ng corruption. Pero hindi pala sapagkat kasama nga sa susunod na national budget. Ibig sabihin, mayroon pang “paglalawayan” ang mga mambabatas. Ang kaibahan, mismong ang Presidente na ang mangangasiwa sa pagbibigay niyon at bubusisiing mabuti bago ma-release. Magiging maayos daw ang pamamahagi.

Nakapagtataka lang kung bakit napakahirap para sa Presidente na ibasura ang pork barrel fund. Kung ang mamamayan ang kanyang “boss” dapat pinakikinggan niya ang hinaing ng mga ito. Isa pa, kailangan pa bang pagkalooban ng pork barrel fund ang mga mambabatas na ang tanging gawain naman ay gumawa ng batas. Gumawa na lang sila ng batas at hindi ang pagkagahaman sa pork barrel ang kanilang pinagkakaabalahan. Hindi na nila kailangang pumili ng proyekto o kaya’y magbigay ng mga gamot sa mga mahihirap, insecticide sa magsasaka o kaya’y magpagawa ng kalsada gamit ang pork barrel.

Ipaubaya sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagpapagawa sa kalsada. Ipaubaya sa DOH ang pamamahagi ng gamot at ipaubaya sa Department of Agriculture ang pamamahagi ng fertilizer.

Ang paggawa ng batas ang kanilang atupagin sapagkat ito ang nakasaad sa batas. Hindi sila dapat magkaroon ng pork barrel na pinag-uugatan ng corruption. Pera ng taumbayan ang kanilang nilulustay. Hindi na dapat inihahain ang pork barrel.

AQUINO

BARREL

DAHIL

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

GUMAWA

IPAUBAYA

PORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with