Sanggang dikit na politiko naggigirian na ngayon
ALAM ninyo ba the other day ay muntik ng dumanak ng dugo dyan sa isang lugar ng Bonifacio Global City na pinag-aagawan ng magkasanggang politiko na sina Makati City Mayor Junjun Binay at Taguig City Mayor Lani Cayentano.
Bakit?
Nagkaroon ng kumprontasyon at ng magipit ang grupo ng Makati ay nagtawag ito ng back-up kaya naman nagkaroon ng resbak kasama ang kapulisan nila kaya naman ng makita ito ng grupo ni Cayentano ay nagtawag din ng back - up at nagdatingan sila sa isang lugar sa BGC.
‘Ano ang nangyari?’ tanong ng kuwagong urot.
‘May taga - Makati na malamig ang ulo at nag-usap na lamang sila ng mga bataan ni Cayentano dahil maganda ang naging usapan ay nagkamayan na lamang ang mga ito.’
‘Eh, kung mainit ang mga ulo nila?’
Aba, giyera patani at tiyak marami ang makukuha ni Lord sa upakan magaganap?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
‘Itanong mo kay Makati Mayor Binay para siya ang magsalita?’
‘Ano ba ang pinagaawayan?’
‘Ang lugar ng Bonifacio Global City.’
Abangan.
Sala sa init, sala sa lamig ang madlang pinoy
SANGKATUTAK na mga speculation ang naglabasan mula ng mahuli si Janet Lim Napoles, ang reyna ng ‘baboy’ este mali pork barrel pala mismong si P. Noy ang puersahan nagpasuko dito dahil sa P10 million reward kapag nasungkit ito kaya naman ang mga bounty hunter ay nagtatalunan sa galak kasi nga naman malaking kuarta ang offer sa Queen of ‘pork.’
Mula ng bitbitin si Napoles sa Camp Crame ay sandamakmak na tsismis ang umalingangaw sa Philippines my Philippines kesyo VIP treatment daw ang Donya Janet dahil ang Malacañang pa ang siyang nagbi-baby dito kahit na multi - billion of pesos ang nayari at kinita mula sa mga PDAF ng mga mambabatas.
Matindi ang treat sa buhay ni Janet marami ang natatakot kapag bumuka ang bibig nito ay sangkaterba ang sasabit na government officials na kumita o naka- commission sa PDAF.
‘Paano kung hindi mismo nakialam si P. Noy at may nangyaÂring masama kay Janet?’
‘Sino ang sisihin?’
‘Tiyak masasabit ang pangalan ni P. Noy dahil ang sasabihin ng mga intrigero para walang sumabit na mga loyalist ng pangulo itinumba na lamang ito?’
Naku ha!
Totoo kaya ito?
At kapag nangyari ang mga bagay na ito tiyak magkakaroon ng ‘revolution,’ na gustung-gusto mangyari ng ibang mga kamote dyan na nagpa-plano ng ibang scenario.
Dahil sa mga tsimis na may special treatment si Napoles pasok agad ang isang mambabatas para ikuento na posibleng magkaroon ng people power sakaling gawing state witness si JLN?
Hindi pa man nag-uumpisa ang paglilitis kay Napoles sabi ni Bayan Muna Partylist Rep. Neri Colmenares , tiyak na hindi magiging katanggap-tanggap sa madlang public kapag naging state witness ang utak sa maanomalyang P10 Billion pork barrel scam.
Totoo naman ito kaya lang may special treatment ba?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, lahat ng effort ay gagawin ng Malacañang para bigyan ng proteksyon si Napoles sa mga kamoteng gustong magpatumba dito.
May mga sulsulero sa madlang public na ‘very big insult’ daw ito sa mga galit na galit kay Napoles kaya ang gusto ng mga kamoteng sulsol ay buwagin na ang pork barrel hindi lang ng mga mambabatas kundi maging kay P. Noy.
Sabi nga, mangyari kaya?
Sasampahan ng kaso si Napoles kaya madlang public huwag kayong mainipin dahil hindi ito palalagpasin ng gobierno lalo’t ngayon pati ang Senado ay nag-iimbestiga rin.
Sabi nga, in aid of election este mali legislation pala!
Ang problema lamang sa Philippines my Philippines ay matindi ang ‘Demokrasiya’ todits kaya bawat galaw ay dapat naayon sa batas ng tao.
Sabi nga, due process!
‘Hindi puede ibigti agad?
Mas maganda na maghintay na lamang ang madlang people sa kahihinatnaN ng imbestigasyon at pagkatapos ang pagsasampa ng kaso kina Napoles, utol nito at para panagutin na rin ang mga opisyal ng gobierno na sangkot sa katiwalian.
‘Kaya ang payo ng mga bright sa madlang people huwag magpadalus-dalos, huwag magpadala rin sa mga sulsol ng mga kritiko ng Malacañang para silaban ang damdamin ng madlang people at lalong magalit ang mga ito kay P. Noy.
Huwag din pasusulsol sa mga pa bright-bright para galitin ang madlang people para mapagbigyan ang kagustuhan ng ilang na magkaroon panibagong people power revolution.
‘Ang importante ay bigyan hustisya ang pera dapat para sa mahirap na nauwi sa wala.’
Kapag nasa korte na ang case problem ni Napoles, utol nito at mga kasabwat siguro magbababa ng desisyon ang korte na ibalik ang pera ng madlang people na galing sa mga taxes nito.
Naku ha, sana nga!
Abangan.
- Latest