Sikat na businessman kakandidato sa 2016
ALAM n’yo bang nagbabalak kumandidato sa 2016 presidential elections ang isang sikat at magaling na negosyante?
Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Bro. Vergel Villasper, Noel Dacasin ng Parañaque Central Post Office, Jeffrey Gabat ng Guadalupe, Makati City, Bro. Col. Niel Estrella ng Philippine Marines at dating NBI Director Magtanggol Gatdula.
Ayon sa aking bubwit, tahimik na rin palang kumikilos ang isang sikat na businessman para maglingkod din sa bayan. Siya ay nagpaparamdam na rin kapag merong mga kalamidad katulad ng mga bagyo at pagbaha.
Siya at ang kanyang mga kompanya at mga tauhan ay nagiging abala na sa pagbibigay ng relief goods. Ang kulang na lang yata para masabing kakandidato na siya ay ang pagsasagawa ng mga medical, dental mission at oplan tule.
Bunga ng matagumpay nitong paghawak sa mga malalaking kompanya sa larangan ng telecommunications, energy, mining, food, water, hospitals, sports at iba pa, may ilang pulitiko ang kumausap sa kanya upang maging ka-tandem sa presidential elections.
Ayon sa aking bubwit, kung mahusay daw siyang magpatakbo sa kanyang mga negosyo, malamang baka magaling din siyang mamahala sa gobyerno.
Kung may presidentiables na gustong makatandem si Mr. Businessman, siya rin pala ay meron na ring sariling plano sa 2016.
Siya ay nagpadala naman ng emmisary at kinaÂusap ang isa pang sikat na presidentiable. Ipinadala ng negosyante ang kaniyang kaibigang Vice Mayor sa Metro Manila at kinausap ang pamilya Marcos kung puwede silang mag-tandem ni Sen. Ferdinand “Bongbong†Marcos Jr.sa 2016 elections.
Kung sino sa kanila ang tatakbong presidente at bise presidente ay hindi pa malinaw. Wow, dati si Kris Aquino ang gustong makipag-tandem kay Sen. MarcosÂ, ngayon naman ay si Mr. Businessman.
Ayon sa aking bubwit, ang negosyanteng gustong kumandidato at makipag-tandem kay Bongbong Marcos sa 2016 presidential elections ay si Mr. P.M. as in Papa and Mama.
- Latest