^

PSN Opinyon

105th anniversary ng Silanganan Lodge No. 19

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

TODAY, ang pinakamasayang araw ng Silanganan Lodge No.19, dahil ‘birthday’ ng nasabing Masonic Lodge ngayon.

Sabi nga, 105th years na siya!

Kaya naman hindi na halos natutulog ang mga incumbent officers nito dahil abala sila noon last week sa pagiimpake ng mga relief good na kontribusyon ng mga Kuyang at ipinamahagi sa mga biktima ng baha.

This week ay nag-focus naman ang mga opisyal ng Sila­nganan Lodge No. 19 at members para sa kanilang kaarawan ngayon.  Tama ba, Kuyang Wency Concepcion, Your Honor?

Ang mga opisyal ng Silanganan Lodge No. 19, this Masonic year 2013-2014 ay sina Worshipful Master Bro. Jonathan R. Amoroso, Senior Warden Bro. Cornelio F. Samaniego III, Junior Warden Bro. Michael Alexander S. Benipayo, Treasurer Bro. Michael Feliciano, Secretary WB Cyril G. Marasigan, PM, Auditor WB Jason J. Zapanta, IPM, Senior Deacon Bro. Gerald Alan A. Quebral, Junior Deacon Bro. Rhoan I. Purugganan,  Chaplain Bro. Edward Leo A. Custodio, Marshal Bro. Benito C. Flores lll, Senior Steward Bro. Franciso O. Santiago, Junior Steward Bro. Wen­ceslao S. Concepcion, Jr. at Tyler Bro. Ofriniano S. Rayandayan, Jr.

Ipinasasabi ni Kuyang Cyril sa lahat ng brethren nasa malapit o malayong lugar, nabaha o hindi, may tsinelas o nakapaa na dumalo sila sa ‘105th birthday party’ ng Silanganan Lodge No. 19.

Sinabi ni Kuyang Cyril, inaasahan nila at hihintayin nila ang mga kuyang na pumunta sa Insomia Bar, sa Centris, dyan sa EDSA kanto ng Quezon Ave. Kyusi sa ganap na 7pm.

Sabi ni Kuyang Secretary Cyril. ‘your presence will make our ‘birthday’ celebration meaningful.

‘Mga Kuyang ano pa ang hinihintay ninyo dyan?’

‘Kita - kits tayo ngayon ha!’

Mag-utol nasa ‘red notice’ list ng interpol

HINDI biro ang mga umaalingawngaw na koneskyon daw ni Janet Lim Napoles kaya hindi siya mahuli ng butas este mali batas pala ngayon.

Bakit?

Sagot - nagtatago sa lungga!

May warrant of arrest ng ipinalabas ang Makati Regional Triual Court  laban sa mag-utol na Janet at Jojo Lim tungkol sa kasong serious illegal detention case nila tungkol ito sa ginawa sa sinasabing pito nang pito este mali ‘whistle blower’ pala.

Sa ginawang hide and seek nina Janet at Jojo sa batas hindi na halos natutulog si National Bureau of Investigation Director Nonnatus Rojas, para tiktikan at alamin kung saan nakalungga ang mag-utol na wanted.

Sabi nga, kapag nahuli ‘no bail.’ sila.

Dahil sa mga kontrobersyal na usapin pumapel na rin ang Court of Appeals para ilagay sa freezer ang may  107 bank accounts ni Janet at maging ang passport ng mag-utol ay pinakansela na rin para hindi na sila makalabas ng Philippines my Philippines.

Oh, common on!

Naku ha, hindi kaya sila makalabas ng Philippines my Philippines sa dami ng salaping nakomisyon nila sa multi-billion pork barrel anomaly?

Sabi nga, ang dami nilang nalokong mambubutas este mali mambabatas pala.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, iniutos na ni DOJ Secretary Leila de Lima, kay Roxas na ilagay na rin sa ‘red notice list’ ng International Criminal Police Organization o INTERPOL para kung sakaling nakalabas man sila sa Philippines my Philippines ay mahanap agad ang mga ito kung saan silang country nag-hide and seek at maibalik agad todits sa lalong madaling panahon dahil para harapin ang kaso nila Janet at Jojo at siempre para na rin sila kumanta regarding sa multi-billion pork barrel anomaly.

Ika nga, sinu-sino ba ang kasabwat nila dito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may palagay silang nakaalis na ng Philippines my Philippines ang mag-utol dahil tiyak anila na bago pa man pumutok ang isyu regarding sa pork barrel ay ready na ang mga ito para sa bagong passport na may ibang pangalan para nga naman kapag sumabog na ang usapin ito ay madali na rin sila makatakas at hindi matitiktikan?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Kaya naman kahit saan sila magdaan tiyak walang makakaalam dahil iba ang passport name nila?

‘Remember ang mag-utol na ex-Palawan Governor Joel Reyes at utol nitong si Mario, ex-Coron Mayor, asan na sila ngayon?

Sabi nga, hindi pa rin makita!

‘hindi ba kahit wanted ang dalawa ay nakalabas sila sa NAIA?’

Abangan.

BRO

KUYANG CYRIL

PARA

PHILIPPINES

SABI

SILA

SILANGANAN LODGE NO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with