Gobyernong kinain ng anay?
ANG gobyerno natin ay maitutulad sa isang gusaling mukhang matatag at walang depekto pero ang mga poste pala at biga ay nilamon na ng mga anay sa loob.
Nakakita na ba kayo ng kahoy na kinain na ng anay? Akala mo buong-buo pero kapag kinatok mo ay magapok ang tunog sa loob. Palibhasa’y wala nang laman kundi pulos dumi ng mga anay.
Sa Lunes, magmamartsa at magtitipon sa Luneta ang tinatayang isang milyong Pilipino na mahigpit na kumokondena sa pork barrel. Alam na nating lahat ang tungkol sa P10 bilyong pork barrel scam. Mantakin ninyong bilyong pisong salapi ng taumbayan ay ipinamahagi sa mga pekeng NGOs sa pangunguna ng isang Janet Lim Napoles na nagtatago na ngayon?
Iyan ang nagbunsod sa mga mamamayan na magdaos ng isang “people power rally†para brasuhin ang admi-nistrasyon na lansagin na ang pork barrel. Nadiskubre ng mamamayan na ang gusaling tinatawag nilang gobyerno ay nginatngat na pala ng mga anay ang kaloob-looban.
Tamang hakbang ito dahil kung walang maaasahang aksyon sa pamahalaan ay dapat lang kumilos ang taumbayan. “Leaving a fault uncorrected is a defaultâ€.
Kahapon ay agad nagpatawag ng press conference si Presidente Noynoy Aquino. Siguro sasabihin ng iba na ito’ isang “tusong hakbang†ng Pangulo para hindi na matuloy ang anti-pork barrel rally. Ang sabi niya na sumorpresa sa akin ay “It’s time to abolish the Priority Assistance Development Fund†Buwagin na raw ang pork barrel.
Alam naman nating lahat na ang Pangulo ang nangu-ngunang tutol sa abolisyon nito. Pero I give the President the benefit of the doubt. Sabi niya bubuo ng bagong mekanismo sa pangangasiwa ng pondo para tiyaking ito’y naipamamahagi sa mga tamang tao at proyekto. Duda naman ang marami na baka binago lang ng konti ang sistema pero magpapatuloy ang pakinabang ng mga Tong-gresista at Senatong. In any case, dapat ituloy pa rin ang rally upang maihayag ang totoong sentimiyento ng mamamayan para sa lubusang paglansag sa pork barrel at hindi lamang pagpapa-lit sa pangalan nito.
- Latest