Profeta and loss
MAY katotohanan ba ang kasabihan na ang isang profeta raw ay hindi pinangangahalagahan sa kanyang sariÂling bayan? Noong nakaraang halalan ako ay naiproklama ng Comelec bilang isang Kongresista nang umani ng 758,000 votes ang OFW Family Party-list (OFWFPL). Nag-number 8 pa ako sa top 10. Sa NCR umani ako ng 100,000, sa Cebu 50,000, sa Ilongo region 50,000, sa Ilocos region gayun din. Number 1 ako sa US, sa UK, sa Gitnang Silangan, sa Singapore at sa lahat nang bansa maliban lang sa Hong Kong.
Ngunit sa sarili kong lungsod sa Butuan City ang OFWFPL ay pumangalawa lamang with 7,000 votes, sa Abamin Party-list na umani ng 12,000 votes. Maliban sa akin ang isa pang nominee ng OFWFPL ay taga-Butuan din. Ang mga nominees ng Abamin ay mga hindi taga-Butuan City ngunit tinambakan nila kami sa sarili naming bayan.
Ako at ang fellow Butuanon nominee ko ay mga alumni ng Butuan Central Elementary School at ng Agusan High School. Gumastos din naman ako ng mga kalahating milyon sa Butuan City para sa radio and print ads, leaflets, mga rekoreda, mga tarpaulin at iba pa, pero ang botong naani ko ay kapiranggot. Na-boycott pala ang OFWFPL sa Butuan City, dahil maraming galit sa kapwa ko nominee na taga Butuan City. Ultimo angkan niya ay nangampanya na huwag iboto ang OFWFPL dahil diumano’y napakasama ng ugali ng fellow Butuanon nominee ko. Pati raw kapatid niyang babae ay ipinakulong dahil sa isang property dispute.
Si fellow Butuanon nominee pala ang dahilan sa pagkatalo ng OFWFPL sa Abamin sa Butuan City. Wala naman palang kinalaman ito kung ako ay isang profeta na binalewala o hindi ng kanyang sariling bayan. Bagaman, the morale of the story ay: Hindi “profetable†ang magsama ng isang ill-mannered person sa party-list.
- Latest