^

PSN Opinyon

15-minutes response time

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

HINDI pa man ikinakasa, umani na ng mga negatibong komento ang panukalang “15-minute response time to all crimes” ng Philippine National Police.

Sa ganitong haba ng oras bago ang responde, posibleng patay na ang biktima at nakatakas na ang mga kriminal sa pinangyarihan ng krimen.

Maliban dito, kulang ang patrol cars ng mga awtoridad at walang central communication system na naka-hook up sa mga pulis na nagpapatrulya at nagmo-monitor sa mga presinto!

Patunay lamang ito na walang sistema at wala pang konkretong solusyon ang pamahalaan sa matagal ng problemang ito sa Pilipinas!

Sa United States, mahaba na ang dalawang minutong response time sa bawat krimen na itinatawag sa 911.

Posible at makatotohanan ang 2-minute response time dahil disimulado at masusing mino-monitor ng mga law enforcement agency ang kanilang central communication system.

Lahat ng mga krimen, agarang naibabato sa mga presinto at 2-way radio sa patrol cars para marespondehan, sinuman ang pinakamalapit sa lugar.

 Walang ganitong sistema sa Pilipinas! 

Kung talagang seryoso ang pamahalaan na mapababa ang kriminalidad, dapat unahin munang pondohan at pagtuunan ng pansin ang central communication system upang hindi maging inutil at mawalan ng saysay ang mga equipment ng PNP!

Manood at makinig ng Bitag Live! araw-araw tuwing 10:00-11:00 ng umaga sa AKSYON TV Channel 41 at Radyo 5 o via live streaming sa www.bitagtheoriginal.com/bitagsaradyo. Sa mga episode ng PINOY-US Cops – Ride Along at BITAG, ugaliing mag-log on sa www.bitagtheoriginal.com.

BITAG LIVE

LAHAT

MALIBAN

MANOOD

PATUNAY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PILIPINAS

RIDE ALONG

SA UNITED STATES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with