^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mahirap paniwalaan

Pilipino Star Ngayon

SOBRANG kawawa talaga ang mga Pinay domestic helper sa Middle East kapag nakatiyempo ng amo na masahol pa sa demonyo. Kaya nga pinaka-mabuti sanang magagawa ng kasalukuyang pamahalaan ay mabawasan ang mga Pinay na magtutungo sa mga bansa sa Middle East particular sa Saudi Arabia at Kuwait para mag-DH. At magagawa ito kung magkakaroon ng maayos na hanapbuhay sa bansa. Kapahamakan lamang ang sinasapit ng mga Pinay sa pakikipagsapalaran sa Saudi at Kuwait. May mga Pinay na sinusuwerte sa amo, pero mabibilang ito sa daliri. Mas marami ang mga amo na masahol pa sa demonyo. Impiyerno ang nagiging kalagayan ng mga Pinay DH habang nasa Saudi at Kuwait.

At lalo nang nagiging impiyerno ang buhay ng mga Pinay kung ang mga taong hinihingian nila ng tulong sa embahada ay sila pa pala ang dadagit sa kanila. Sa halip na tulungan para makaalis sa impiyerno ay lalo pang ihuhulog doon.

Isinalaysay ng tatlong Pinay domestic helpers sa Senado noong Huwebes ang kanilang naging karanasan habang humihingi ng tulong sa opisyal ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Riyadh, Saudi Arabia. Ang tatlo na pinangalanang Michelle, Angel at Analiza ay dumanas nang napakasamang karanasan sa isang opisyal ng POLO na nagngangalang Antonio Villafuerte. Si Michelle ay tinangka umanong gahasain ni Villafuerte habang nasa POLO office. Nakaranas naman nang hindi magagandang pananalita o mga bulgar na salita sina Angel at Analiza sa nabanggit na POLO official. Ayon kay Michelle, gumamit ng salitang salungsu at salungki ang opisyal na si Villafuerte nang tanungin niya kung saan siya kukuha ng bra at panty habang nasa Bahay Kalinga. Ayon naman kay Villafuerte, ang salitang iyon ay ginagamit niya sa pakikipag-usap sa kanyang asawa. Itinanggi niya ang panggagahasa.

Ang ugat ng imbestigasyon ng Senado ay nang mapaulat ang “sex-for-flight” modus sa mga babaing OFWs sa Riyadh noong nakaraang Hunyo. Pagkatapos molestiyahin, ibinubugaw sila ng POLO opisyal sa mga customer para magkaroon umano ng pera na pambili ng tiket sa eroplano para makauwi sa bansa. Ang pagtatapat ng tatlong OFWs ay nagpatibay naman sa naunang pagbubulgar ni Akbayan Rep. Walden Bello.

Kawawa ang tatlong Pinay workers at nararapat magkaroon ng hustisya ang kanilang sinapit. Hindi dapat mauwi sa pag-iimbestiga lang ang kasong ito. Nararapat maparusahan nang mabigat ang tumampalasan sa tatlong kawawang Pinay.

AKBAYAN REP

ANALIZA

ANTONIO VILLAFUERTE

AYON

BAHAY KALINGA

MIDDLE EAST

PINAY

SAUDI ARABIA

VILLAFUERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with