^

PSN Opinyon

Makasaysayang usapan

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

NAKABIBIGLA ang turn out ng mga delegado dito sa Cebu para sa conference on legal education na itatanghal sa pakikipagtulungan ng Legal Education Board at Philippine Association of Law Schools. Mahigit 130 ang makikilahok na mula sa halos 50 law schools, mga miyembro ng hudikatura, malalaking law firms, NGOs at employers groups. Mayroon pang mga walk in na foreign law deans at mga kinatawan din ng mag-aaral ng batas. Inaantaba-yanan ang mga input mula sa mga speakers -- mismong ang Punong Mahistrado, si Chief Justice Ma. Lourdes P.A. Sereno, at sina Associate Justice Arturo Brion at Roberto Abad ang mangunguna sa high level line up – at sa mga reaksyon ng mga panelists na nagmumula sa academiya, sa propesyon, sa gobyerno at sa mundo ng business.

Sa conference ay susuriin ang kasalukuyang sitwasyon ng mga gradweyt na niluluwal ng mga law school at ng mga pangangailangan ng propesyon. Hindi ito laging tumutugma. Pag-uusapan din kung may dapat bang palitan sa sistema ng bar exams gayong mababa pa sa 25% ang karaniwang passing rate dito kada taon. Titimbangin ang obligasyon at misyon ng mga law school – ito ba’y eskuwelahan ng mga propesyonal na inaasahan lang na magprodyus ng mga abogadong handang magpraktis agad o misyon ba nitong maghubog ng mga dalubhasa na ang atensyon ay nasa batas na pinag-aralan imbes na sa propesyong pagtatrabahuan. At saan nagkulang ang mga law school sa pagpagradweyt ng mga abogadong may moralidad at konsensya? Napakaraming attorney at huwes na nasasangkot sa hindi magandang gawain.

Makasaysayan ang pagtitipong ito dahil ito lang ang unang pagkakataon na magtatagpo ang ganito kalaki at kalawak na grupo upang maumpisahan ang pagtalakay sa mga hamong hinaharap ng aming mahal na bokasyon. Hindi ma­gagawa overnight ang mga repormang hinihiling ng pagkakataon. Subalit sa malinaw na tagumpay ng conference na ito, na nga­yong umpisa pa lang ay dinudumog na, ay umaasa ang lahat na maganda ang kalalabasan ng hakbanging ito at ang legal edu­cation sa Pilipinas ay maisasaayos at mailalagay sa mas matuwid na daan.

vuukle comment

ASSOCIATE JUSTICE ARTURO BRION

CHIEF JUSTICE MA

LAW

LEGAL EDUCATION BOARD

LOURDES P

PHILIPPINE ASSOCIATION OF LAW SCHOOLS

PUNONG MAHISTRADO

ROBERTO ABAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with