Isali si Misuari
ISANG araw noong 1986 na ako pa ang ambassador sa UAE, tumawag sa akin si Eduardo Ermita na noon ay National Security Adviser ni President FVR para magtanong tungkol sa whereabouts ni MNLF leader Nur Mi-suari. Wala pang peace accord noon ang Government of the Philippines (GRP) at MNLF kaya hindi alam ni Ermita kung saan naglalagi si Misuari sa Middle East. Lingid sa kaalaman ni Ermita, kaibigan ko si Nur Misuari at isa siya sa mga tumulong sa akin sa pakikipag-usap sa mga Sheikhs roon na iligtas si Sarah Balabagan sa hatol na kamatayan sa UAE.
Nang malaman ni Ermita na nasa UAE lang pala si Nur, kaagad-agad pinapunta nila ni FVR si Ruben Torres na Executive Secretary noon para kausapin si Nur na gusto ni FVR ng peace agreement ang GRP sa MNLF. Magkaklase si Nur at si Ruben sa UP kaya madaling nagkaroon ng agreement na inaprubahan kaagad-agad ni FVR. Mga isang linggo rin ako na naging mediator ng dalawa na paminsan-minsan ay nagkainitan din.
Noong magkaayos na ang GRP at MNLF sinamahan ko si Nur sa kanyang courtesy call sa Ruler ng Sharjah na si Shaikh Sultan. Tinanong ng Shaikh kung kasama ba sa peace agreement si “Brother Hashim†niya ng MILF. Nagkatinginan na lang kami ni Nur dahil in truth, di nga sinama nina FVR si Hashim sa settlement. Kaya ayon, hilaw ang naging peace settlement at nagpatuloy ang rebellion sa Mindanao.
It seems hindi pa rin tayo natututo sa lessons of history at ngayon naman ang rehimeng P-Noy ay iniitsa-pwera si Nur Misuari sa negotiations with the MILF.
Dearly beloved si Nur ng Sheikhs sa Gitnang Sila-ngan. Maraming tutulong sa kanya sakaling ipagpatuloy niya ang rebellion in the South. Kaya, in the name of peace, isali si Misuari.
- Latest