‘My Husband’s Lover’ bill
MAYROON tayong batas laban sa pagtataksil ng asaÂwa, babae man o lalaki. Kapag misis ang nanlalake, adultery ang tawag. Kung si mister naman ang nambabae, concubinage.
Naghain ng panukalang batas si Rep. Edcel Lagman Jr. na naglalayong palawakin ang saklaw ng nasabing batas. Yung mga lalaking may asawa na pumatol sa kapwa lalaki o mga babaeng may asawa na pumatol sa kapwa babae ay gusto ring patawan ng parusa. Tinawag itong “My Husband’s Lover†bill.
Isa lang ang puna ko sa kasalukuyang batas. Kung hindi magdedemanda ang kinaliwang lalaki o babae, walang kasong puwedeng isampa.
At napakahigpit pa ng rekisito bago makapag-file ng kaso ng adultery o concubinage. Kailangang mahuli sa akto o makunan ng retrato sa akto ng pagtatalik.
Paminsan-minsan may mga nakakalap tayong balita na nahuli ni mister si misis sa akto at nagsampa ng demanda kung hindi man tuluyang pinatay. Dapat siguro’y higpitan ang batas at luwagan ang requirement sa pagsasampa ng kasong adultery o concubinage.
Halimbawa, kung si Mister maaktuhang may pinupuluputang babae o kaya si misis ay may nakapuluput na ibang lalaki na hindi man lang malapit na kamag-anak, sapat na sana iyan para gawing ebidensya. Puwede ring maaktuhan ang magkalaguyo ng lumalabas sa motel. Ano pa ba naman ang gagawin nila sa loob, magdya-jack-en-poy?
Sa pagkaalam ko, tanging asawa lang ang puwedeng magsampa ng demanda kaya kung walang ibang complainant, wala ring kaso. Marami pa ngang kaso na tino-tolerate na lang ni misis ang panga-ngaliwa ng asawa. Ewan ko lang kung may lalaking kinukunsinti ang panga-ngaliwa ni misis. Sobrang pagkadakila na yun ha.
Pero naniniwala akong dapat higpitan ang batas na may kinalaman sa panga-ngalaga ng moralidad. Batid ko na ang sexual immorality ay nag-uugat din sa pagiging corrupt ng tao sabihin pang mahigpit na kinukondena sa Salita ng Diyos.
Kaso komo napakaluwag ng batas laban dito, marami ang nahihikayat gumawa nito. Masarap daw ang paggawa ng bawal. Masarap nga siguro kaya naman dapat bigatan ang parusa laban sa ganyang uri ng krimen na tila hindi masyadong napapansin.
- Latest