^

PSN Opinyon

Kapag walang pork barrel, wala rin dynasties, dayaan

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MABUTI ang panimulang layunin ng pork barrel. Pinapantay-pantay umano nito ang pagpondo sa lahat ng congressional districts, mayaman o mahirap. Ginagasta ng congressmen sa lungsod ang pork nila para sa paglunas sa traffic, pollution, at iba pang suliraning urbanisasyon. Sa kanayunan pinaggugugulan ay irigasyon o panghayupan o foot bridges.

Kalaunan nasalaula ng kickbacks ang pork. Ilan beses nang binago ang pangalan nito para pabanguhin. Naglapat ng mga bagong alituntunin para linisin. Hindi na nire-release ng budget department ang pera diretso sa congressmen, kundi sa kinauukulang ahensiya, depende sa uri ng proyekto: pang-computers, kalye, o ospital.

Ganunpaman, nanatili ang mga dating raket. Tinutukoy ng congressmen hindi lang ang proyekto kundi pati kontratista. Pinase-certify naman ng kontratista ang mga kasabwat na NGOs ng pagtapos o pag-deliver ng proyekto. Binabayaran ng ahensiya ang kontratista, na naghahatid naman sa congressman ng 20% komisyon. Kapag awasin ang tig-10% ng kontratista, NGO, at ahensiya, 50% na lang ang natitira sa proyekto. Kaya sirain ang kalsada o walang bisa ang gamot na dineliver. Pati mga senador nagkaroon na rin ng pork -- mas malaki pa kaysa congressmen miski wala silang direct constituencies. At lumitaw na ang operators na katulad ni Janel Lim Napoles, na taga-”ayos” ng detalyes at bayaran.

Pero hindi naman talaga kailangan ng pork. Trabaho ng Ehekutibo, hindi ng Lehislatibo, magpatupad ng proyekto. Kung walang pork, wala nang rason ang politiko na manakit o mamili ng boto sa halalan. Wala nang tukso para makipag-halinhinan sila sa kaanak sa puwesto, at magtatag ng dynasty. Uunlad na ang bayan!

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

 

BINABAYARAN

EHEKUTIBO

GANUNPAMAN

GINAGASTA

ILAN

JANEL LIM NAPOLES

KALAUNAN

KAPAG

KAYA

LEHISLATIBO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with