Ang ika-18 kalabaw: Pakikipagkasundo
NAGPAMANA ang yumaong ama sa tatlong anak na la-laki ng 17 kalabaw. Mahigpit ang nakasaad sa kanyang Huling Habilin:
• Dapat mapunta sa panganay na anak ang kalahati (1/2) ng 17 kalabaw;
• Sa ikalawang anak ang saikatlo (1/3) ng 17; at
• Sa bunsong anak ang saikasiyam (1/9).
At dahil imposible hatiin ang 17 kalabaw nang kalahati, ng katlo, o ng kasiyam, nag-away-away ang magkakapatid.
Dumulog sila sa isang pantas. Taimtim na nakinig ang pantas sa kanilang suliranin tungkol sa Huling Habilin ng ama.
Pagkatapos, nilabas ng pantas ang sariling kalabaw at isinama ito sa 17 pamana, para maging 18 lahat-lahat.
Binigkas niya nang malakas ang Huling Habilin:
• Kalahati ng 18 kalabaw ay 9, at ibinigay niya ito sa panganay.
• Saikatlo ng 18 ay 6, at ibinigay naman ito sa pangaÂlawa.
• Saikasiyam ng 18 ay 2, at ibinigay rin ito sa bunso.
Nang sumahin ang napunta sa magkakapatid — 9 + 6 + 2 — 17 kalabaw lahat-lahat ang ipinamahagi ng pantas. Nasunod ang nais ng ama. Merong natira na isa, ang sariling kalabaw ng pantas, at inuwi na niya ito.
Leksiyon: Sa anumang negosasyon, mahalagang haÂnaÂpin ang ika-18 kalabaw, ang punto ng pakikipagkasundo. Kapag natukoy na ito, madali na ang kasunod. Mahirap kung minsan humanap ng solusyon, pero dapat maniwala na lahat ay merong solusyon. Kapag inisip na walang solusyon, hindi nga ito matutukoy.
(Salin mula sa Ingles)
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]
- Latest