Paano aalagaan ang baga?
MAPALAD kaming maging panauhin si Dr. Raymund Fernandez, isang magaling na pulmonologist (espesya-lista sa baga) sa aming radio program sa DZRH. Pinag-usapan namin ni Dr. Fernandez ang lahat ng bagay na magpapalakas sa ating baga. Heto ang ilan sa kanyang mga payo:
Itigil na ang paninigarilyo. Tama na. Sobra na. Ito ang numero unong sanhi ng pagkasira ng baga.
Umiwas sa usok ng sigarilyo. Kapag ang kasama mo sa bahay ay naninigarilyo, makukuha mo rin ang masamang epekto nito.
Umiwas sa mga usok ng sasakyan at huwag din magsiga sa bakuran.
Kung ika’y nagmomotorsiklo, magsuot ng face mask o helmet para hindi ubuhin.
Mag-ingat sa peligro sa trabaho. Halimbawa, kung ika’y isang mananahi, welder, pulis o pintor, mag-ingat sa balahibo ng mga damit, usok ng welding at amoy ng pintura. Magsuot ng face mask, goggles o helmet.
Kung ika’y may allergy, umiwas sa pagkain na nakaa-allergy sa iyo.
Siguraduhing malinis ang iyong kuwarto at maganda ang daloy ng hangin.
Palakasin ang iyong masel sa dibdib. Mag-ehersisÂyo gamit ang 1 o 2 kilong dumbbell sa bawat kamay. Palakasin ang masel sa leeg, balikat at dibdib para mas makahigop ng hangin.
Huwag umasa sa supplements. Hindi pa ito napatunayan na epektibo.
Kumain ng masustansya tulad ng mga prutas, gulay at isda. Matulog din nang sapat.
Para sa mga may sakit na sa baga tulad ng emphysema, COPD at tuberculosis, may paraan para makahinga ng mas maluwag:
1. Matulog ng may 2 o 3 unan. Kapag ang likod mo ay nakalapat sa kama, nababatak ang iyong baga at mas hindi ito makakakuha ng ha-ngin.
2. Habang ika’y nakaÂupo, subukan ang puwesÂtong nakayuko at nakatango. Kumuha ng isang silya o mesa sa harap mo at ipatong ang iyong braso at ulo dito. Sa ganitong paraan, mas makahihigop ka nang maÂraming hangin.
3. Huminga na gamit ang masel ng tiyan. Paghigop ng hangin, subukang palakihin ang tiyan at hindi ang dibdib. Mas malakas ang paghatak ng masel sa bandang tiyan (ang diaphragm).
4. Magbakasyon sa lugar na mahangin. Pumunta sa tabing dagat o lugar na maÂraming puno. At siyempre, kumunsulta sa inyong doktor!
- Latest