^

PSN Opinyon

Criminals in the making

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

GARAPALAN at lalong nagiging agresibo ang mga sindikato! Sinasamantala nila ang kahinaan ng batas sa pagsasagawa ng krimen gamit  ang mga batang palaboy sa lansangan.

Sila ‘yung mga batang sinasanay sa iba’t ibang sulok ng bansa partikular sa Metro Manila para magsagawa ng krimen. Kapag buo na ang kanilang loob at galing, wala na silang katatakutang awtoridad.

Ang mga sindikato, agad naman silang ire-recruit para sa mas malalaking krimen at “proyekto” dahil kuwalipikado na silang maging myembro!

Gasgas na ang ganitong estilo ng mga sindikato. Sinasadya talaga nilang maging notoryus na kriminal ang mga bata bago nila isabak sa kanilang mga operasyon.

Hangga’t walang pangil ang batas sa mga sindikato, lalo pang lalala at maglilipana ang mga batang-kriminal sa lansangan!

 Ginigising lang ng BITAG ang law enforcement agency sa bansa na maging seryoso at makatotohanan sa pambi-BITAG sa mga sindikato!

Manood at makinig ng Bitag Live! araw-araw sa AKSYON TV Channel 41 at Radyo 5.  Pinoy US Cops – Ride Along, Sabado 8:30 – 9:00 at BITAG, 9:15 -10 ng gabi sa PTV4. 

* * *

Para sa inyong mga sumbong at tips mag-text sa 09192141624 o mag-email sa [email protected]. Maaari rin kayong magsadya sa BITAG Headquarters sa #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City tuwing Miyerkules, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

BITAG LIVE

GASGAS

KALAW HILLS

METRO MANILA

QUEZON CITY

RIDE ALONG

SYJUCO BLDG

TANDANG SORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with