^

PSN Opinyon

May ‘dependent personality disorder’

IKAW AT BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

SI Boysie ay nagmula sa isang mayamang pamilya.  Masyadong dominante ang tatay niya. Kahit pa mayaman, parang mga robot ang turing nito sa asawa at mga anak. Malapit si Boysie sa kanyang mga magulang. Nakaasa siya sa desisyon nila sa lahat ng bagay. Lagi siyang kinakawawa at hinahayaan lang niya na tapakan ng iba ang karapatan niya.

Kaya nang makilala niya si Gina at naging girlfriend, pumayag agad siyang pakasalan ang babae. Pinanin-digan nila ang pagiging mag-asawa kahit hindi naman   sila nagsama sa iisang bahay. Nang maliwanagan si Boysie at maintindihan niya na kasing dominante ng ama si Gina, lagi na silang nag-aaway.

Nabuwisit si Boysie at imbes komprontahin, iniwasan na lang niya ang babae. Matapos ang isang taon, hindi na nakikipagkita si Boysie kay Gina at imbes ay nakikipag-date na sa ibang babae. Doon siya nagsimulang makatanggap ng mga prank calls, tinatakot  siya at pinatitigil sa pakikipagkita sa ibang babae dahil may asawa na raw siya. Noon lang nagkamalay si Boysie na ang kasal niya pala kay Gina ay hindi gawa-gawa lamang tulad ng kanyang inaasahan.

Nalilito at hindi malaman ang gagawin, tumakbo sa ina si Boysie at humingi ng tulong. Pinapunta naman siya nito sa abogado. Ang payo ng abogado, magpetisyon siya sa korte upang mapawalang-bisa ang kanyang kasal alinsunod sa batas (Art. 36 Family Code). Sinunod naman ito ni Boysie.

Sa paglilitis, isang psychological expert ang tumestigo para kay Boysie. Ang ulat ng eksperto sa korte, may “self defeating and dependent personality disorder” daw ang lalaki dulot ng magulong pamilyang pinagmulan. Nahihirapan din daw si Boysie na makisama kay Gina dahil hindi nito naiintindihan ang konsepto ng pagkakaroon ng asawa at kahit kailan ay hindi naman sila nagtalik ng babae.

Ayon din sa eksperto, masyadong malubha ang diperensiya sa utak ng la­ laki at taglay niya ito kahit noon pang bago siya mag­­pakasal. Hindi na ito magagamot. Sapat na ba ang testimon­ya ng eksperto upang ma­pa­walambisa ang kasal nina Boysie at Gina?

Oo, sapat na. Alinsunod na rin sa batas (Art. 36 Family Code), dapat na ikonsidera ng korte sa mga desisyon nito ang mga ulat at opinyon ng mga eksperto pati na rin ang  mga desisyon ng simbahang Ka­tolika. Sa kasong ito, malinaw na napatunayan ng testimonya ng eksperto na malubha na ang dependent personality disorder ni Boy-sie at malabo na magamot pa ito.

Ang tinatawag na “dependent personality disorder” ay isang uri ng sakit sa utak. Ang may ganitong sakit ay kinakikitaan ng kawalan ng kumpiyansa sa sarili. Masyadong masunurin at hindi marunong magsalita para sa kanilang sarili. Matatakutin sila at madaling masaktan sa sina­sabi ng ibang tao sa kanila. Umaasa sila sa de­sisyon ng iba. Hindi sila marunong kumontra kahit alam nilang mali ang nagsasalita. Hindi sila marunong magkusa at takot na iwanan ng iba. Kung magtatrabaho man sila, yun trabahong siguradong maaawa ang iba. Nakuha nila ito mula pagkabata at dala na hanggang sa pag­tanda.

Mahirap pakisamahan ang taong may ganitong sakit sa utak. Hindi nila alam kung paano nila gagawin ang obligasyon nila bilang asawa. Sa kaso nina Boysie at Gina, nararapat lamang na ipawalambisa ang kanilang kasal (Halili vs. Halili and Republic, G.R. 1654254, June 9, 2009).

BOYSIE

FAMILY CODE

GINA

HALILI AND REPUBLIC

MASYADONG

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with