^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kailan sesermunan ang taga-Customs?

Pilipino Star Ngayon

EPEKTIBO ang style ni President Noynoy Aquino na sermunan ang mga pinuno na hindi nagpapakita ng galing, husay at pagsisikap sa kanilang tanggapan. Makaraang sermunan, kusa nang nagbibitiw sa puwesto ang mga sinermunan. Tinatablan din pala ang mga pinunong walang maipakitang husay sa pamumuno at hindi makatulong sa programa ng Presidente.

Noong Martes, nagbitiw na sa kanyang tungkulin si Immigration Commissioner Ricardo Da­vid. Ang pagbibitiw ay may kaugnayan umano sa pagtakas ng Korean fugitives at ang pagtangging palayain ang isang American na kinasuhan ng estafa sa kabila na na-clear na ito ng Makati City Court. Noong nakaraang taon, sinermunan ni Aquino ang mga taga-BI dahil sa pagtakas ng mga suspect sa pagpatay sa journalist-environmentalist na si Doc Ortega ng Palawan. Agad na tinanggap ni Aquino ang pagbibitiw ni David.

Dalawang linggo na ang nakararaan, sinermu­nan ni Aquino ang administrator ng National Irri­gation Administration na si Antonio Nangel dahil sa mabagal na pagtapos ng mga proyektong dam at patubig. Walang pangimi si Aquino nang harap-harapang sermunan si Nangel. Makalipas ang ilang araw, nag-resign si Nangel.

Sinermunan din ni Aquino noon si PAGASA administrator Prisco Nilo dahil sa maling forecast ng bagyong “Basyang” noong 2010. Nagbitiw si Nilo makalipas ang ilang araw.

Kailan naman kaya sisermunan ng Presidente ang mga taga-Customs? Hindi maabot ng Customs ang target na revenue. Kapos na kapos. Mula nang maupo si Customs commissioner Ruffy Biazon, hindi niya naabot ang target na kita. Paanong maaabot ang kita, gayung talamak ang smuggling. Ang buwis na dapat ay kikitain sa mga pumapasok na produkto ay napupunta lamang sa mga kurakot.

Laganap ang smuggling ng bigas, bawang, sibuyas at iba pang agri products. Kamakailan, nabunyag ang smuggling ng petroleum products. Ibinunyag ito mismo ng Petron  Corp. at Pilipinas Shell. Sa kabila nang nangyayaring smuggling, walang maipakitang “ngipin” si Biazon.

Kung magpapatuloy ang smuggling, hindi na naman aabot ang Customs sa revenue target. At bigo na naman ang Presidente sa kanyang hangad.

Siguro dapat na niyang sermunan si Biazon.

ANTONIO NANGEL

AQUINO

BIAZON

DOC ORTEGA

IMMIGRATION COMMISSIONER RICARDO DA

MAKATI CITY COURT

NANGEL

NATIONAL IRRI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with