^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ireporma ang NIA

Pilipino Star Ngayon

KAILANGANG magsermon pa si President Aquino para magising ang tutulug-tulog na opisyal ng tanggapan. Gaya sa National Irrigation Administration (NIA). Walang ginawang pagbabago ang namumuno roon para mapakinabangan ang mga bukirin na walang sapat na tubig. Maraming bukirin sa bansa ang nananatiling umaasa sa tubig-ulan. Kapag nagdamot ang ulan, walang mapapakinabang ang mga kawawang magsasaka. Matutuyo ang kanilang tanim na palay. Sayang ang kanilang pagod, pera at panahon sa paghahanda sa lupa.

Kung nag-isip lamang ang namumuno sa NIA, maaaring magkaroon ng tubig ang malawak na bukirin sa bansa. Marami namang pagkukunan ng tubig at sapat na sapat sa mga linang. Kung ang lahat nang bukirin ay matatamnan ng palay, hindi na aangkat ng bigas ang bansa. Pero nakadidismaya ang nangyayari ngayon sapagkat umaasa ang bansa sa inaangkat na bigas sa Vietnam at Thailand. Nakakahiya na agrikulturang bansa ang Pilipinas pero umaasa sa bigas ng ibang bansa. Patuloy na umaangkat sapagkat kulang na kulang ang inaani sa mga bukirin. Natutuyo ang mga pinitak sapagkat walang suplay ng tubig.

Hindi masisisi si P-Noy kung sermunan ang NIA administrator na si Antonio Nangel. Walang ginawa si Nangel habang siya ang NIA administrator na ikinairita naman ng Presidente. Hindi na napigilan ni P-Noy ang pagkainis kaya nang magdiwang ng ika-50 anibersaryo noong nakaraang linggo, isinambulat niya ang matagal nang kinikimkim.

Ayon sa Presidente, hanggang ngayon ay hindi pa natatapos ang irrigation project sa Tarlac na inum­pisahan pa noong siya ay kongresista. Dahil sa nangyari, walang napapakinabang ang mga magsasaka dahil natutuyo ang mga palay. Walang tubig doon.

Tinuldukan ni P-Noy ang pamumuno ni Nangel. Inanunsiyo ng Malacañang na mayroon na itong kapalit. Uupo na bagong NIA administrator si Claro Maranan, isang engineer.

Hindi dapat mapahiya si P-Noy. Magsagawa ng reporma si Maranan. Tapusin ang irrigation projects. Dapat magkaroon ng tubig ang malawak na lupain para magkaroon nang masaganang ani. Kung masagana ang ani, hindi na aangkat ng bigas at wala nang magugutom.

vuukle comment

ANTONIO NANGEL

CLARO MARANAN

NANGEL

NATIONAL IRRIGATION ADMINISTRATION

P-NOY

TUBIG

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with