EDITORYAL - Dahil sa droga: Matuto na sana
DALAWAMPU’T WALONG Pilipino pa ang nasa death row sa China. Lahat ay may kasong pagpapasok ng illegal na droga. Maaaring sa isang taon ay mayroon na namang bibitayin. Noong Miyerkules ng umaga, binitay ang isang Pinay dahil sa pagpapasok ng anim na kilo ng heroine. Nahuli ang Pinay at ang pinsan nitong lalaki noong Enero 2011. Ang pinsang lalaki ay nahatulan din ng kamatayan pero ipinagpaliban umano ng isang taon ang paggawad. Ayon sa report, 18 beses na nagpabalik-balik sa China ang Pinay na binitay mula pa noong 2007. Ni-recruit umano ng Nigerian drug syndicate at kumikita ng $3,000 hanggang $4,000 bawat biyahe sa China. Sa pang-18 biyahe siya nahuli.
Apat na Pilipino na ang nabibitay. Ang mga unang nabitay ay sina Ramon Credo, Sally Ordinario-Villanueva at Elizabeth Batain. Ang tatlo ay binitay noong Marso 30, 2011. Umapela rin ang gobyerno ng Pilipinas sa China para pigilin ang pagbitay pero hindi pinakinggan.
Ang pagbitay ay hindi mapipigilan. Kahit ano pang gawin ng Pilipinas na pag-apela, walang mangyayari. Mabigat na kasalanan ang pagpapasok ng illegal na droga. Maski dito sa Pilipinas ay habambuhay ang parusa sa sinumang mahuhulihan ng droga.
Sa kabila na mayroon nang mga nabitay, may mga Pinoy pa rin hindi nagkakaroon ng leksiyon at patuloy na nagpapa-recruit sa sindikato ng droga. Umano’y pinangangakuan nang malaking halaga ang mga nire-recruit para maging “drug muleâ€. MasÂyadong malaki umano ang sindikato at lahat nang paraan ay ginagawa para maipasok ang droga sa mga bansang nais nila. May “drug mules†na nilulunok ang droga para lamang maipasok. Kamakailan, isang Nigerian na pumasok ng bansa ang lumunok ng droga na nasa capsule pero na-detect ng mga alertong Immigration agents sa NAIA kaya natiklo.
Magsilbing leksiyon ang nangyaring pagbitay sa Pinay. Huwag magpagamit sa mga sindikato. Kamatayan ang sasapitin kapag nahuli. Gawin naman ng gobyerno ang lahat nang paraan para mahuli ang mga sindikatong nagre-recruit sa mga Pinoy. Dakmain sila bago may mabiktima.
- Latest