^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Banta sa pulis-Maynila

Pilipino Star Ngayon

NOON, kapag narinig ang salitang Manila’s Finest, ibig sabihin mahuhusay, magagaling, kapita-pitagan, may kalidad at kapuri-puring mga alagad ng batas sa Maynila. Kaya maraming lalaki at babae na naghahangad mapabilang sa pulisya ng Maynila. Karangalan na mapabilang sa Manila’s Finest. Noon iyon. Pero ngayon, hindi na Finest ang Manila police. Ano ba ang opposite ng finest sa English? Di ba worst. Maraming abusado at matatakaw na pulis sa Maynila. Gumagawa nang masama at walang kinatatakutan. Sagad sa kawalanghiyaan. Bukod sa mga kotongero, may mga pulis na nangto-torture para paaminin ang suspect sa kasalanan. Halimbawa ay ang ginawang pag-torture ng isang police na may ranggong Inspector sa loob ng isang presinto sa Asuncion, Tondo, ilang taon na ang nakararaan. Tinalian ng Inspector ang “ari” ng suspect at hinihila habang pinaaamin sa krimen. Umaaringking sa sakit ang suspect kapag binabatak ang tali. Mabuti na lang at nadakip na si Inspector. Ang pangyayari ay nag-iwan ng dumi sa Manila police.

Maraming pulis-Maynila ang nag-ooperate ng mga illegal na sugalan --- video karera, jueteng, loteng, saklaan at kung anu-ano pa. Ang matindi, sangkot din sa illegal na droga ang mga pulis. Kapag nag-ooperate ng video karera ang isang pulis, tiyak na mayroong shabu roon. Magsa-shabu muna ang customer kaya magdamagan ang paglalaro sa VK. 

Maraming pulis-Maynila ang nakikinabang sa mga illegal vendor. Araw-araw naglalagay sa pulis ang mga vendor para hindi sila hulihin. Sa Divisoria at Binondo, ang mga illegal vendors ay nagbibigay ng P40 hanggang P100 sa station commander. Umano’y nasa P100,000 isang araw ang kinikita ng station commander sa Divisoria at Binondo.

Maraming pulis-Maynila ang sangkot din sa pag-salvage ng mga pinaghihinalaang criminal. Sa halip na mag-imbestiga at idaan sa legal na paraan ang lahat, doon sila sa short-cut na paraan. Mas mabilis ang resulta --- ilang bala lang.

Ang mga ganitong pulis sa Maynila ang binalaan ni Manila mayor Joseph Estrada nang magsimulang manungkulan noong Lunes. Sabi ni Erap, tapos na ang araw ng mga corrupt na pulis sa Maynila. Wawalisin na niya.

Inaasahan ng Manilenyo at marami pang tao ang pangako ni Erap. Marami nang nagsasawa sa mga abusado at “buwayang” pulis. Nararapat nang walisin ang mga ito para magkaroon ng kabuluhan ang binansagang Manila’s Finest. Sana hindi mapako ang pangako.

ANO

BINONDO

ERAP

JOSEPH ESTRADA

MARAMING

MAYNILA

PULIS

SA DIVISORIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with