^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Sige, sermunan pa ang tatamad-tamad!

Pilipino Star Ngayon

KUNG masipag, masikap at tapat sa tungkulin ang tauhan, dapat lang itong purihin at kung maaari bigyan pa ng perang bonus para pa sipagin at magsikap. Kung tatamad-tamad at walang pagsisikap ang tauhan, sermon ang nararapat. Hindi nararapat magsawalang-kibo sa mga tauhan na sa halip makatulong ay nagpapabigat pa.

Ganito ang estilo ni President Aquino. Kapag nakita niya na hindi kumikilos at walang progreso ang mga itinalaga niyang opisyal o mga tauhan sa gobyerno, sesermunan niya ito sa karamihan ng tao. Hindi siya mapipigilan sa pagsasalita at sasabihin ang lahat nang nasa loob. Magalit na ang magalit at sumama man ang loob ng sinermunan, wala siyang pakialam basta masabi ang kanyang niloloob. Ito sa palagay niya ang paraan para maituwid o mamulat ang mga taong inilagay niya sa puwesto. May karapatan naman siyang magsermon sapagkat siya ang nag-upo sa taong inakala niya na makakatulong para maipatupad ang mga reporma. Malaki ang inaasam niya sa iniupong tao na gagawa ito nang kakaibang bagay para ganap na maituro ang “tuwid na daan”.

Marami na ring nasermunan si Aquino. Unang nasermunan niya ang director ng Philippine Atmos­pheric Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA) na si Prisco Nilo noong July 2010. Sinabon niya ito makaraang magkamali sa forecast ng bagyong “Basyang”. Nagdulot nang grabeng ulan ang bagyo sa maraming lugar sa bansa na ikinairita ng Presidente. Nagbitiw naman si Nilo sa PAGASA.

Noong nakaraang Martes, nakatikim din ng sermon mula kay Aquino ang mga taga-National Irrigation Administration (NIA). Naging panauhing pandangal si Aquino sa NIA sa ika-50 anibersaryo nito. Pero sa halip na puri, sermon ang ibinigay ng Presidente. Halatang hindi siya nasisiyahan sa performance ng NIA administrator. Mariin ang pagkakasabi ng Presidente na walang gaanong natatapos na proyekto ang NIA para matugunan ang patubig sa mga lupain sa buong bansa. Ginawang halimbawa ng Presidente ang irrigation project sa Tarlac na umano’y sinimulan pa noong siya ay congressman sa lugar subalit hanggang ngayon ay hindi natatapos.

Tama lang ang pagsesermon ng Presidente sa mga opisyal at tauhan na walang ginagawa at tatamad-tamad. Marami pang opisyal na dapat sermunan ang Presidente. Sige, gawin niya para mamulat ang mga tatamad-tamad.

AQUINO

GEOPHYSICAL ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

MARAMI

NATIONAL IRRIGATION ADMINISTRATION

NIYA

PHILIPPINE ATMOS

PRESIDENT AQUINO

PRISCO NILO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with