^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Usad-pagong

Pilipino Star Ngayon

MAG-AAPAT na taon na ang Maguindanao massacre. Nangyari noong Nobyembre 23, 2009. Walang awang pinatay ang 58 katao na kinabibilangan ng 30 mamamahayag. Sumama ang mamamahayag sa supporters ni Toto Mangudadatu para magpa-file ng certificate of candidacy. Ang asawa ni Mangudadatu ang magpa-file ng certificate of candidacy para sa kanya. Bukod sa asawa ni Mangudadatu kasama rin sa convoy ang dalawang kapatid na babae. Pero bago pa makarating sa lugar na sadya, hinarang na sila. Pinababa sa sasakyan at saka pinagraratrat. Matapos ratratin, inihulog sila sa isang malaking hukay.

Ang mga suspect ay ang mag-aamang Ampa- tuan --- Andal Ampatuan Sr., Andal Jr. at Zaldy at 200 iba pa. Itinatanggi nila ang krimen. Wala umano silang nalalaman. Nakakulong sila ngayon sa Bicutan jail at patuloy ang arraigment. Ang mayhawak ng kaso ay si Judge Jocelyn Solis-Reyes ng Quezon City Regional Trial Court Branch 221.

Mag-aapat na taon na ang karumal-dumal na pag­ patay at wala pang nababanaag na pag-asa ang mga kaanak ng biktima. Wala silang nakikitang progreso sa kaso. Sabagay, sinabi ng ilang may nalalaman sa batas na maaaring abutin daw ng hanggang 200 taon ang kasong ito. Wow! Kung ganito kahaba ang lalakbayin ng kaso, maaaring patay na ang mga inaakusahan at maging ang nag-aakusa at pati mga testigo.

Kamakalawa, lumabas ang balitang ang pamil­ya ng 14 na biktima ng Maguindanao massacre ay willing nang makipag-settle sa mga Ampatuan. Malaking pera umano ang iniaalok ng mga “Ampa­tuan negotiator” sa pamilya ng 14 na biktima. Ayon pa sa report, noong 2011 pa nagsimula ang pakikipagnegosasyon sa pamilya ng mga biktima.

Kabagalan ng paglilitis sa kaso, kawalan nang mapagkukunan ng ikabubuhay ng mga pamilya ng biktima ang maaaring dalawang dahilan kung bakit gusto na nilang makipag-areglo sa mga suspect.

Itinanggi naman ng Malacañang na may nangyayaring aregluhan. Sabi naman ni Justce Secretary Leila de Lima sa 14 na pamilya na huwag kumagat sa areglo. Kung nag-aalok ng areglo, ibig sabihin, para na ring inamin na may kasalanan ang mga akusado.

Pabilisin ang paggulong ng hustisya sa kasong ito. Kapag nagtagal pa, maaaring mawalan ng saysay ang pagsisikap sapagkat nagkaaregluhan na. Hindi dapat masayang ang pakikipaglaban para makamit ang hustisya.

AMPA

ANDAL AMPATUAN SR.

ANDAL JR.

JUDGE JOCELYN SOLIS-REYES

JUSTCE SECRETARY LEILA

MAGUINDANAO

MANGUDADATU

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with