Ano pa ba ang mga pagdadaanan ng OFWs?
LUMULUTANG na ang mga biktima ng tinatawag na “sex-for-flight†na pinatatakbo ng ilang opisyal ng embahada sa Middle East. Tatlong biktima ng “sex-for-flight†ang lumantad at naglabas ng mga akusasyon sa isang opisyal ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Riyadh, Saudi Arabia. Minolestiya raw sila at “binenta†sa mga dayuhan. Isang opisyal ng POLO sa Riyadh ang pinauuwi at pinahaharap sa imbestigasyon. Si DFA Sec. Del Rosario naman ng DFA ay pinauwi ang mga ambassador ng iba’t ibang bansa sa Middle East at North Africa para magpulong-pulong at makibahagi sa imbestigasyon. Ayon kay Del Rosario, may katotohanan ang mga testimonya ng tatlong lumantad. Ang hindi pa lumalabas ay ang mga biktima ng nasabing sistema mula sa mga opisyal ng POLO sa Kuwait, Jordan at Syria. Dapat lumabas na rin sila, kung nais nilang maparusahan ang mga may sala. May proteksyon naman silang makukuha, lalo na’t isinapubliko na ang kanilang paghihirap at may ibang biktimang lumabas na.
Ang Palasyo mismo ang nag-utos na imbestigahan nang husto ang iskandalo, at nangako na parurusahan ang sinumang nasa likod nito. Nangako na lilinisin din ang mga embahada sa mga taong may masasamang hangarin sa ating mga kababayan na napakarami nang isinasakripisyo para sa kanilang mga pamilya at sa bansa. Masisira tayo sa diplomatikong komunidad kung hindi matutukoy ang mga may sala at maparusahan.
Napakalungkot at nangyayari ito sa ating mga kababayan at mga opisyal pa ng embaÂhada ang nasa likod ng kanilang pagdurusa. Hirap na nga sila at nais lamang makauwi, eto naman ang ilang opisyal na pinagsamantalahan ang kanilang sitwasyon. Hindi ito puwedeng paÂlampasin, o patawarin. Kailangang humarap ang mga akusado, dumaan sa imbestigasyon, at kapag napatunayang may sala, parusahan nang husto. Walang are-areglo, katulad ng nagaganap sa isang kilala at napakaÂsamang krimen sa Maguindanao. Kung lahat idadaan na lang sa pera, para saan pa ang sistema ng hustisya?
Hindi ko masikmura ang mga balitang ito. Mga opisyal ng embahada sa ibang bansa ang nasa likod pa ng umano’y isang prostitusyon at pangmomolestiya sa ating mga kababayan.
Walang kasingÂsamang pananamantala. Ano pa ba ang dapat pagdaanan ng mga OFW sa kamay ng ilang masasamang tao sa gobyerno?
- Latest