^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bigyang pag-asa ang mga taga-PAGASA

Pilipino Star Ngayon

BAGYUHIN ang Pilipinas. Nasa mahigit 20 bagyo ang tumatama sa Pilipinas taun-taon at lubhang mapanira. Kapag hindi naibigay ang tamang lokasyon at lakas ng bagyo sa mamamayan, tiyak na maraming mamamatay. Hindi sila makapaghahanda. Hindi sila makalilikas sa mas ligtas na lugar. Bigla na lamang silang gugulantangin nang malakas na hangin at ulan at magdudulot nang pagbaha.

Mahalaga na mayroong mga tao na magtataya ng lagay ng panahon. Hindi puwede ang hula-hula lang sa pagsasabi ng kinaroroonan ng bagyo. Kailangan ay may mga kaalaman sa larangang ito. At ang mga taong ito ang kailangan ng bansang laging dinadalaw ng bagyo. Mas mahaba ang buwan ng tag-ulan (o pagbagyo) sa bansa kaya nararapat lamang na magkaroon ng mga taong bihasa sa weather forecasting.

Pero paano naman magkakaroon ng mga maga-galing na forecaster ang bansa gayung kakarampot lang pala ang suweldo nila. Paano sila mahihikayat na manatili sa paglilingkod sa sambayanan gayung kulang pa sa pang-araw-araw na pangangailangan ang kanilang sinusuweldo.

Ayon sa report, ang weather observer sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ay tumatanggap lamang ng P17,209 isang buwan kasama ang P2,000 na allowance samantalang ang meteorologist ay may suweldong P24,000 at P2,000 allowance. Ang administrator naman ay sumusuweldo ng P63,000.

Maliit ang suweldo ng mga taga-PAGASA kung ikukumpara sa suweldo ng ilang taga-gobyerno na sumusuweldo nang mahigit P100,000 bukod pa sa malalaking allowance. Mas hamak na mas malaki ang suweldo ng mga taga-MWSS kaysa sa mga taga-PAGASA. Noong nakaraang taon, nabulgar na malalaki ang tinanggap na mga bonus ng mga taga-MWSS. Noong nakaraang taon din naman nabatid na mayroong mga taga-PAGASA na hindi makapasok sa trabaho dahil walang pamasahe.

Ang maliit na suweldo ang dahilan kaya maraming weather forecaster ang nagre-resign sa PAGASA para magtrabaho sa ibang bansa. Isa si PAGASA admi-nistrator Nathaniel Servando sa mga nag-resign para magtrabaho sa Qatar. Umano’y susuweldo si Servando ng P600,000 isang buwan sa bagong trabaho sa Qatar.

Kailangan ang weather forecaster sa bansang bagyuhin. Huwag silang hayaang umalis.

 

AYON

BIGLA

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

HUWAG

KAILANGAN

NATHANIEL SERVANDO

NOONG

PHILIPPINE ATMOSPHERIC

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with