^

PSN Opinyon

Lady Justice, may lover boy na bodyguard

SABI NI BUBWIT... - Deo Macalma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang merong lover boy na bodyguard ang isang lady Justice?

 Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Atty. Abraham “Abe” Vermudez ng LRA, Mr. Johnny Dayang, Rizalina Domingo, KB at King Cortez. Congratulations kina Mr. Willy Tee Ten at Michael Cua sa launch ng Rolls Royce Motor Cars Manila.

Ayon sa aking bubwit, marami ang nagulat sa inaasal ngayon ng isang lady Justice dahil masyadong scandalous ang illicit affair sa kanyang bodyguard. Hindi malaman ng kapwa Justices kung ipinagyayabang ang kanyang bodyguard o siya ay may pagka-taklesa.

Mantakin n’yo ba naman nang maging guest si Justice sa isang affair ng Integrated Bar of the Philippines, nagkalat ito ng lagim sa hotel na kanyang tinuluyan. Wow, maluho pala si Justice, ang hiniling na kuwarto ay yung Presidential suite na nagkakahalaga ng P25,000 per day.

Ayon sa aking bubwit, ang eskandalosong sitwasyon dito ay pinatulog pa ni Justice ang bodyguard-lover boy sa kanyang kuwarto. Wow ang suwerte naman ni bodyguard o si Justice ang suwerte dahil macho ang kanyang bodyguard. Ala-Kevin Costner at Whitney Houston affair ito sa pelikulang “The Bodyguard”. Alam n’yo ba na itong lover boy-bodyguard ay miyembro ng Presidential Security Group (PSG).

Ayon pa sa aking bubwit, kaya raw pina­patulog si Bodyguard sa hotel room ni Justice ay para sa kanyang seguridad. Katulad noong maligo sila sa swimming pool. Magkatabi at magkadikit pa silang dalawa para na rin daw sa security ni Justice. Meron ba siyang death threat?

Heto pa, habang nasa convention ng IBP si Justice ay grabe ang kanyang mga escort dahil panay ang wangwang. Ayaw ni P-Noy ng wang-wang.

Ayon sa aking bubwit, ang lady Justice na may lover boy na bodyguard ay si Justice L. as in Ligaya.

 

vuukle comment

ALA-KEVIN COSTNER

AYON

BODYGUARD

INTEGRATED BAR OF THE PHILIPPINES

JUSTICE

JUSTICE L

KANYANG

KING CORTEZ

MICHAEL CUA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with