^

PSN Opinyon

Tamang ehersisyo para sa lahat

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

AYON sa ginawang Philippine National Guidelines on Physical Activity ng DoH, WHO at UP, kapag lagi tayong nag-eehersisyo, mas gaganda ang lagay ng ating puso, baga, utak, bituka, buto, masel at buong katawan. Heto ang tamang pag-e-ehersisyo:

Para sa bata (5-12 years old):

• Maging aktibo ng 1 oras bawat araw. Maglakad, umakyat ng hagdan, maglinis sa bahay at magwalis ng bakuran.

• Puwede ang lahat ng ehersisyo tulad ng pagtakbo, pagtalon, patintero, tumbang preso, agawan, at iba pa.

Para sa teenagers (13-20 years old):

• Maging aktibo ng 1 oras bawat araw. Puwede gawin ang lahat ng ehersisyo kasama na ang mga sports tulad ng basketball, volleyball, swimming, gymnastics at iba pa.

• Sa ganitong edad, puwede na umpisahan ang muscle strengthening at flexibility exercises. Puwede mag-gym, gumamit ng weights at mag-stretching exercises.

Para sa adults (21-45 years old):

• Maging aktibo ng 30 minutos hanggang 1 oras bawat araw. Isama sa iyong aktibidad ang paggalaw habang nasa opisina o trabaho. Umakyat ng 1 o 2 hagdan.

• Ituloy ang pagpapalakas ng iyong masel. Mag-sports at magtrabaho sa bahay. Puwede rin ang pagsasayaw at jogging.

Para sa older adults (46-59 years old):

• Maging aktibo ng 30 minutos bawat araw. Pero maghinay-hinay na sa pag-eehersisyo. Bawasan o iwasan ang mga matitinding sports tulad ng basketball, football at pagtakbo. Ituloy pa rin ang pagpapalakas ng iyong masel.

• Kasabay nito, umpisahan na ang pag-alaga sa iyong balanse at coordination. Subukan ang yoga, tai-chi, pagsayaw at swimming.

Para sa young seniors (60-79 years old):

• Maging aktibo ng 30 minutos bawat araw. Ingatan ang iyong balance. Tumayo at maglakad sa bawat 1 oras na nakaupo. Puwede pa rin ang mga ibang ehersisyo pero bawasan na ang tagal at tindi nito. Maglakad imbes na mag-jogging.

• Maging maingat at ligtas sa iyong pag-eehersisyo.

Para sa may edad (80 years old pataas):

• Sa mga senior citizens at sa mga may sakit, itanong muna sa iyong doktor kung anong klaseng ehersisyo ang puwede sa iyo. Habang nag-eehersisyo, kapag ika’y nahilo, nasuka, nahapo o sumakit ang dibdib, itigil na ang eher-sisyo at magpahinga.

Tandaan: uminom nang sapat na tubig bago at habang nag-eehersisyo. Good luck.

BAWASAN

BAWAT

HABANG

HETO

ITULOY

IYONG

MAGLAKAD

PUWEDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with