^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Imbestigahan ang 3 hayok

Pilipino Star Ngayon

MGA kapwa kababayang opisyal ang nagsasamantala sa mga kawawa at distressed overseas Filipino workers (OFWs) na nakakanlong sa mga embahada ng Pilipinas. Sa halip na kanilang tulungan, sila pa ang nagbubugaw at nagsasamantala mismo sa mga kapuspalad na OFWs. Napakasama ng ginagawa ng mga taong ito. Ang katulad nila ay hindi dapat pinatatawad.

Dalawang opisyal ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Amman, Jordan at Kuwait at isang officer ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Damascus, Syria ang inaakusahang nagbebenta o nagbubugaw ng mga babaing OFW kapalit nang mabilis na pag-uwi sa Pilipinas. “Sex for fly” o “sex for repatriation’’. Ibinibenta ang mga babaing OFW sa mga Jordanian at Kuwaiti kapalit nang malaking halaga ng pera. Bukod sa ibinubugaw, ginagamit din ang mga distressed OFWs para “pagparausan” ng mga hayok na opisyal.

Nabunyag ang “sex for fly” makaraang lumapit sa radio station DZRH ang isang babaing OFW na na-repatriate mula sa Kuwait at sinabing hinimok siya ng embassy official doon na makipagtalik para mapabilis ang kanyang pag-uwi sa Pilipinas. Agad namang nagsagawa ng pagsisiyasat si Akbayan Rep. Walden Bello at natukoy ang tatlong opisyal (dalawa sa POLO at isang officer ng DFA).

Kinilala ni Bello ang POLO officials na sina Mario Antonio na nakabase sa Amman, Jordan at Blas Marquez na nakabase sa Kuwait. Ang ikatlong opisyal ay nakilala lamang sa tawag na “Mr. Kim” na umano’y kabilang sa augmentation team ng DFA sa Damascus, Syria.

Si Antonio umano ay sumisingil ng $1,000 sa mga Palestinian customer para makatalik ang OFW samantalang si Marquez ay sumisingil din nang malaki sa mga customer na pinagbubugawan niya ng mga kababayang OFW. Nagaganap umano ang bentahan sa mismong embassy ng Pilipinas sa Kuwait. Matagal na umanong sangkot si Marquez sa “sex for hire” sa embahada. Si “Mr. Kim” ay madalas mahuling nakikipagtalik sa mga distressed OFW na nakatuloy sa embahada sa Damascus. Umano’y apat na OFWs na ang nakarelasyon ni “Mr. Kim”.

Kailan kikilos ang Department of Labor and Employment (DoLE) at DFA sa kasong ito? Pauwiin ang mga sangkot na opisyal at imbestigahan at kapag napatunayan ay parusahan. Iligtas ang OFWs sa mga hayok!

vuukle comment

AKBAYAN REP

BLAS MARQUEZ

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

MARIO ANTONIO

MARQUEZ

MR. KIM

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with