Pag-abuso ng mister sa kapangyarihan
ITO ay kaso na nangyari noong ang umiiral na batas tungkol sa mag-asawa ay ang Civil Code pa at hindi ang Family Code – ayon sa Civil Code (Art. 165).
Sa pagkakataon naman na umabuso ang lalaki ay puwedeng magpetisyon ang babae sa korte upang ibigay sa kanya ang pamamahala ng kanilang ari-arian o kaya ay kumuha ang korte ng isang “receiver†na itatalaga upang magpatakbo ng kanilang ari-arian o kaya ay maghiwalay na lang silang mag-asawa ng ari-arian nila (Art. 167 New Civil Code).
Ano kaya ang mangyayari kung hawak ng babae ang pamamahala ng ari-arian at siya ang inakusahan na umaabuso? Ano ang magagawa ng kanyang mister? Ang susunod na kaso ang magbibigay liwanag dito. Ito ang nangyari sa mag-asawang Alfredo at Aida.
Bilang resulta ng kanilang magkatuwang na pagtitiyaga, nakaipon ng malaking ari-arian ang mag-asawa. Ngunit matapos ang labinlimang taon, basta na lang iniwan ni Alfredo si Aida at bumukod ng tirahan. Naiwan kay Aida ang pamamahala at administrasyon ng kanilang mga ari-arian alinsunod sa utos ng korte.
Hindi nagtagal, bumalik sa kanilang tahanan si Alfredo. Humingi siya kay Aida ng kumpletong detalye at tuos ng lahat ng kanilang ari-arian pati na ang mga kinita nito. Nagsususpetsa siyang nagpabaya si Aida at katunayan ay nagÂli- pat pa ng ibang ari-arian nila sa pangalan ng ibang tao.
Nang ayaw pumayag ni Aida, pumunta si Alfredo sa korte upang hingin na utusan nito si Aida na magbigay ng kumpletong tuos ng kanilang ari-arian, ang lahat ng kinita nito at tuloy, upang paghiwalayin ang ari-arian nilang mag-asawa dahil nga sa kapabayaan daw ng kanyang misis.
Ang argumento ni Alfredo, kung nakalagay daw sa batas (Art. 167 New Civil Code) na puwedeng hingin ng babae na maghiwalay sila ng ari-arian dahil sa ginawa
ng pang-aabuso ng kanyang mister, puwede rin daw niyang gawin ito sa kanyang asawa na siyang humahawak at umaabuso ng kanilang ari-arian. Tama ba si Alfredo?
MALI. Ang nakasaad sa batas na puwedeng hingin ng babae na maghiwalay sila ng kanyang asawa ng ari-arian kung sakali at umaabuso ang mister ay natata-ngi lang para sa babae. Ang argumento kasi rito ay nasa lalaki ang pamamahala ng kanilang ari-arian at ayon sa batas, siya lang ang ipinagpapalagay na aabuso ng kapangyarihan.
Hindi naman talaga hu-maÂhawak ng kanilang ari-arian ang babae maliban at pumayag ang asawa, o kaya ay iutos ito ng korte. Kung talagang may pagpapabaya sa kanyang parte, ito ay dahil hinayaan siya ng kanyang mister o kaya ay pinabayaan siya ng korte. Ang solusyon para kay Alfredo ay hindi upang hingin na paghiwalayin ang kaÂnilang ari-arian kundi ang mapabawi sa korte ang kapangyarihan ng asawa at ipabalik sa kanya ang paÂmamahala nito (Garcia vs. Manzano, G.R. L-8190, May 28, 1958).
- Latest