“Sinagip ng mga hinliliit” (karagdagang ulat)
SARILING bigat ang hihigop sa’yo papalubog ng kumunoy. Mas lalong kumakawag, lalo kang lulubog. Subalit kapag inabot sa’yo ang braso ng pag-asa, para kang hinugot at ibinalik sa matigas na lupa.
Ganito ang pagsasalarawan ni Bernaldo “Ariel†Tagle—44 anyos ng Daang NIA, Brgy. San Juan 2, General Trias, Cavite sa tulong na maibibigay ng testimonya ng kanyang kapatid na si Priscilla Gutierrez—33 anyos ukol sa kanyang kaso.
Nung nakaraan ay itinampok namin ang kasong “Frustrated Homicide†laban kay Ariel. Isinampa sa kanya ito ng kapitbahay ng kanilang ina na si Leopoldo “Poldo†Cobacha—60 anyos.
Ipinaglalaban ni Ariel na siya ang pinagtangkaan ni Poldo na tagpasin ang kanyang ulo at hindi siya ang may intensyon na pumatay dito.
Si Ariel ay nag-kontra demanda ban kay Poldo matapos na lamang ang tatlong taon (Hulyo 18, 2012)sa kaparehong insidente para sa kasong “Attempted Homicideâ€.
Sa unang bahagi ay natalakay na namin ang masalimuot na nangyari sa kontra-demandang ito ni Ariel at ang nais niyang unahin ngayon ay ang unang kasong laban sa kanya.
Sa aming pagsusuri mula sa “medico legal report†ni Ariel, malaking palaisipan kung bakit hindi siya nagtamo ng ano mang grabeng sugat.
Para bigyang linaw ang bagay na ito, nagsadya sa aming tanggpan si Priscilla upang mas maayos na maidetalye ang tunay na naganap sa kanila noong gabi ng Agosto 2, 2009.
Alas-8 ng gabi nung bumisita silang magkapatid sa bahay ng kanilang ina kasama ang kaibigan ni Priscilla na si Reynaldo Pipit—43 anyos na isang Philippine Marine. Pag-uusapan nina Ariel at Reynaldo ang tungkol sa pagpapatanim nito ng gulay.
Sa kalagitnaan ng kanilang kuwentuhan habang umiinom ng beer ay dumating at kinompronta umano sila ni Poldo.
“Hindi ba kayo magsisitigil?! Sabihin ninyo lang!,†bulyaw sa kanila.
Sinabayan ng tayo nina Reynaldo at Ariel ang matanda para humingi ng paumanhin at sinabing lilipat na lamang sila ng puwesto.
Umuwi na itong si Poldo at ilang sandali, lumabas mula sa bahay nito ang anak niya na si Alma Sanchez—27 anyos. Tinawag ito ni Poldo at inabutan umano ng isang halabas(mahabang bolo) at pasugod na pumunta sa direksyon ni Priscilla na kaumpukan nila sa inuman.
“Hoy p*&-p*^ ka! Napakalandi mo!,†sigaw umano ni Alma kay Priscilla habang akto na nitong ibinuwelo ang paghataw sa kanya ng halabas.
Agad na hinablot ni Ariel ang braso ni Alma bago pa masaktan nito ang kanyang kapatid at pilit na naagaw ang halabas.
Sa puluhan ng halabas nakahawak si Ariel samantalang si Poldo ay sa may talim humawak. Ito raw ang dahilan kung bakit ito nagkasugat-sugat sa mga kamay.
Nagpambuno sila, natumba at nagpagulong-gulong. Dahil dito nagtamo ng sugat itong si Poldo sa parte ng kanyang mukha at bandang batok.
Tumayo itong si Poldo at tumakbo pabalik ng bahay nila habang si Ariel ay lumakad upang itabi ang halabas sa kanilang bakuran.
Hindi nagtagal rumaragasang sumusugod na naman si Poldo. Ngayon isang samurai na ang kanyang hawak na parang isang katipunerong lumulusob. Dito na napagpasyahan ni Ariel na kumaripas ng takbo.
“Nagpapasalamt ako sa Diyos na hindi niya ako naabutan subalit sa pangyayaring ito nabali ang buto ng paa ko,†ani Ariel.
Pagkatapos ng buong pangyayari dun sila nagdesisyong ireklamo ang ginawa sa kanila ng matanda ngunit ilang minuto pa lamang lumipas ay sinusundo na ng mga tanod itong si Ariel para sa reklamo sa kanya ni Poldo.
Nanatili sa kustodiya ng baranggay si Ariel. Kinabukasan sinamapahan siya ng reklamong “Frustrated Homicide†ni Poldo.
Pagkaraan ng apat na buwan, nakapagpiyansa si Ariel at pansamantalang nakalaya.
Hanggang sa kasalukuyan ay dinidinig pa ang kaso laban sa kanya. Pangamba ni Ariel na matuloy siya sa kalaboso kung hindi mabibigyang linaw ang mga tunay na naganap nung gabi ng Agosto 2, 2009.
“Hindi ko alam kung ano pa ang pinuputok ng butsi ni Alma para gawin niya sa akin ‘yon samantalang siya na nga ang nang-agaw,†sabi ni Priscilla.
Malalim na poot na itinanim ang pinagmumulan ng galit ni Alma sa kanya na siyang naging puno’t-dulo ng kaguluhan. Dating boyfriend ni Priscilla si Rolan Medina na isang sundalo, at ngayon ay kinakasama na ni Alma.
“Wala na naman po akong pakialam sa kanila, ang sa’kin lang bigyan nila ng katahimikan ang pamilya namin at sana hindi tuluyung makulong ang kuya ko sa kasong dapat kami ang nagreklamo,†ani Priscilla.
Itinampok namin sa CALVENTO FILES sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 khz (tuwing 3:00 ng hapon) ang kuwentong ito ng magkapatid na Priscilla at Ariel.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, ang testimonya ni Priscilla ay nagbigay linaw sa amin, dahil nagpadala kami sa mala-sineng pagkukwento ni Ariel ng mga pangyayari. Kumpleto aksyon at liksi ng kilos.
Hindi nabanggit ni Ariel ang impormasyon na ibinigay ni Priscilla sa aming staff. Ang tanging layon namin ay lumabas ang katotohanan sa talagang tunay na nangyari.
Ang kaso ay nasa korte na at ang kagalang-galang na hukom ang siyang masusing titimbang sa lahat ng mga ebidensya at testimonya na ihaharap sa kanya.
Ang isang magandang tanong na maiiwan ay kung meron bang intensyon (intent to kill) ng tangkang pagpatay sa panig ni Ariel?
Nung hawak niya ang halabas kayang kaya na niyang pagtatagain at hatawin si Poldo sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan. Walang nangyaring ganito, katunayan walang matatawag na “fatal wounds†na natamo itong si Poldo. Ang “medico legal officer†na nag-eksamin kay Poldo ang maaaring makapagpatunay dito.
Uulitin ko, ang kapalaran ni Ariel ay nakasalalalay kung paano kikiling ang hustisya. Titignan ng hukom ang lahat-lahat ng ihahain sa kanyang korte.
Kailangan ang desisyon ay maging “walang bahid ng pagdududaâ€(“beyond reasonable doubtâ€).
May ‘legal tenet’na nagsasabing mas mabuting magpawalang sala ng ‘one hundred guilty persons, than to convict an innocent man’.
(Kinalap ni Pauline Ventura)
Sa gustong dumulog ang aming numero ay 09213263166 o 09198972854 o 09213784392 o 0906-7578527. Ang landline, 6387285/7 hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor City State Center Blg. Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Biyernes. Follow us on twitter: Email: [email protected]
- Latest