^

PSN Opinyon

Ang pagpapatawad ay pagmamahal

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva - Pilipino Star Ngayon

SA lahat ng mga ama, Happy Fathers’ Day!

Maging si David  na hinirang ng Diyos na maging hari ng Israel ay nagkasala. Pinaglaruan pa niya ang Salita ng Diyos at nilabag  ang  kalooban ng Panginoon. At  sa kanyang makamundong pagnanasa sa isang magandang babae na asawa ng kanyang kawal na si Urias ay ipinapatay pa  ito upang kanyang mapasakanya ang babae.  Nagsisi si  David at lubusang nagpakasakit. “Diyos ko, ako’y patawarin sa aking pagkasuwail”.

Sinabi ni Pablo na tayo’y pinawalang sala ng Diyos dahil sa pananalig kay Hesus. Maging sa ebanghelyo ngayon ay nagpahayag na ang malaking pagmamahal ng Diyos ay nagpapatunay sa Kanyang pagpapatawad. Nagtaka ang Pariseong si Simon na sa kanyang pag-anyaya kay Hesus sa handaan ay nasaksihan niya ang pagpapatawad Nito sa babaing makasalanan. Nilinisan ng babae ng kanyang mga luha ang paa ni Hesus sa pamamagitan ng buhok. Hinagkan pa nito at pinahiran ng pabango. Maraming nagtaka kung talagang propeta ang taong ito. Bakit nakikisalamuha ito sa isang makasalanan.

Inihalintulad pa ni Hesus ang babae sa dalawang taong nangutang ng denario, ang isa limangdaan at ang isa naman ay limampu. Nang hindi makabayad ay parehong pinatawad. Kailanman ay hindi namimili ang Diyos sa kanyang pagpapatawad malaki man o maliit. Sinasabi ni Hesus sa ating lahat tulad ng sa babae: “pinatawad na ang iyong mga kasalanan. Iniligtas ka ng iyong pananalig, yumaon ka na’t ipanatag mo ang iyong kaloooban”.

Ang kapatawaran ay hango sa ating lubusang pagsisisi at pagtutuwid sa ating buhay. Kung tunay na maraming nagawang kasalanan ang mga dating namumuno sa ating pamahalaan ay huwag silang mawalan ng pag-asa. Ang Diyos ay mapagpatawad. Subali’t dapat din nilang tanggapin ang kaparusahan dito sa lupa. Ibig sabihin linisin muna ang katiwalian. Pumanaw man ang mga nagkasala ay hindi maninirahan sa apoy na walang hanggan. Subali’t kung hanggang ngayon ay walang nagsisi at ipinagmamalaki pa ang paikut-ikot na salapi ng batas, darating ang panahon na nabubuhay pa sa lupa ay pinarurusahan na ng Maykapal. (2 Samuel 12:7-13; Salmo 31; Galatians 2:16-21 at Lukas 7:36-50)

* * *

Nakikiramay po ako sa pagpanaw ni Fr. Benjie Roda ng Tiaong, Quezon.

ANG DIYOS

BAKIT

BENJIE RODA

DIYOS

HESUS

HINAGKAN

KANYANG

SUBALI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with